Gas Boy, ginantimpalaan ng katumbas sa 8-taon nyang sahod dahil sa pagtulong nya sa isang customer na naiwan ang kanyang pambayad sa bahay

Kapag nga naman ikaw ay nagmagandang loob na magbigay sa kahit sinuman, paniguradong mayroong babalik na kabutihan din sa iyo.

Likas sa atin bilang mga tao ang pagiging mapagbigay. Hindi lamang tayo nabubuhay para sa ating mga sarili. Kundi, tayo din naman ay nabubuhay para sa ating mga kapwa.

Credit: Goodtimes




Ang pakikipagkapwa ay isang bagay na dapat nating matutunan at isabuhay. Tayo ay nabubuhay sa mundo nang may pananagutan sa bawat isa sa atin. Sa pakikipagkapwa, natututo tayo kung paano makisalamuha sa iba ng may bukas na puso at palad para sa bawat isa.

Sabi nga nila, babalik nga daw sa atin ng 10 beses ang mga bagay na ating binibigay sa iba. Pero, iba ang kwento ng gasoline boy na ito dahil hindi lamang sampung beses ang bumalik sa kanya kundi higit pa.

Credit: Goodtimes

Si Nkosikho Mbele, 28 taong gulang ay isang gasoline boy. Sa kanyang trabaho, talagang di maiiwasan ang pagod. Pero, sa kabila ng lahat ng ito, bukas ang puso ni Nkosikho sa mga nangangailangan ng kanyang tulong.

Isang driver na edas 21 taong gulang na sj Monet van Deventer ang nawalan na ng gas at nangangailangan ngunit naiwan niya ang kanyang mga bank cards sa bahay.

Credit: Goodtimes




Buti na lang at ginintuan ang puso ni Nkosikho dahil sinagot at binayaran niya ang gas ni Monet sa halagang 6.31 US dollars para makauwi siya sa kanila.

Pero di nagtatapos doon, dahil sa kabutihan ipinakita ni Nkosikho. Binalikan siya ni Monet at nanguna ng fund raising para kay Nkosikho.

Iisipin mo bang umabot ng 32,972.94 US dollars o halos 1.6 million sa Philipine peso ang nalikom at binigay ito sa kanya. Biruin mo, walong taong sahod na pala ito ni Nkoshikho at nakuha niya ito sa kabutihang loob.

Credit: Goodtimes

“I was just doing what anyone else would have done, from the heart. I believe there is no black and white and that we are all one people and I just want to bring people together,” sambit ni Nkoshikho.

“I know how dangerous that stretch of the N2 is that she wanted to travel and my faith in God told me it was the right thing to pay for her to travel safely so I bought her fuel for her,” dagdag pa niya.

Credit: Goodtimes

Samantala, tinapatan ang halagang ito ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya na Shell at mapupunta ito sa charity na pipiliin ni Nkoshikho.

Nakakatuwang isipin na ang pagiging matulungin at bukas palad ay nakakagawa ng mas maraming mabubuting bagay para sa bawat isa.