2 oras na pamamasyal sa kalikasan ay nakakapagdulot ng mas masaya at malusog na pangangatawan, ayon sa pag-aaral

Bahagi ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ang pagiging masaya. Kailangan nating maging masaya para sa ating “mental at emotional health”.

Nagdudulot ng maganda ang pagiging masaya sa ating kalusugan. Kung kaya’t may kani-kaniya tayo ng paraan kung paano nga ba maging masaya.

Photo Source: Pixabay




Ang iba’y nagiging masaya kasama ang kanilang pamilya o kaibigan. Sa mga bondings, gatherings o salu salo kasama sila ay magiging masaya ka na. Ang iba naman ay dinadaan sa panonood ng telebisyon o pelikula para maging masaya. O kaya nama’y pumupunta sa mall at bumibili ng kahit anong kanilang gusto para mas maging masaya sa buhay. Anupamang paraan, mahalaga nga naman talaga na maging masaya sa buhay.

Kaya naman, naglabas ang UK government ng isang pag-aaral sa pamamagitan ng survey tungkol sa pagiging masaya at malusog. Ayon kasi sa survey, mas masaya at malusog daw ang mga taong nagstay at namamasyal sa park sa loob ng 2 oras kada linggo.

Photo Source: Pixabay

Ang nasabing survey ay napagaralan sa mga 20,000 respondents doon. Isa ito sa mga pinaka unang pag-aaral patungkol sa kung ilang oras dapat ba mamasyal at mag stay sa labas ng bahay.

Photo Source: Pixabay




“So what we’re trying to do here is give doctors and patients the kind of evidence base that they can say, ‘Why don’t you try two hours a week?’” sabi ni Mathew White, isang environmental psychologist at senior lecturer sa University of Exeter Medical School, na nanguna din sa nasabing pag-aaral.

“A half hour here, half an hour there, and before you know it, you know, you’ve achieved two hours. It includes open spaces in and around towns and cities, including parks, canals, and nature areas; the coast and beaches; and the countryside including farmland, woodland, hills and rivers,” dagdag pa niya.

Photo Source: Pixabay

Nabanggit din na iba pa ang naidudulot sa kalusugan ng pageehersisyo, maliban pa sa pagstay sa labas gaya na lamang sa mga park.

“This is the benefit on top. And one way we know that is because a big proportion of our sample are not exercising—let alone in a park—and they’re still showing benefits to the health and well-being from sitting down and having picnics and that kind of stuff,” banggit pa ni Matthew White.

Photo Source: Pixabay

Kaya naman, kung gusto mong maging mas masaya at malusog, maglaan ng dalawang oras kada linggo sa pagstay sa mga park o kahit anong pasyalan sa labas.



Source: Goodtimes