Bata, bigla nalang lumublob sa putikan dahil di naman daw sya dinala ni minsan ng kanyang nanay sa isang swimming pool

Iba iba nga naman tayo ng kwento ng mga childhood memories. Paniguradong may mga di tayo makakalimutan na pagkakataon sa ating pagkabata na ating ginawa dahil na rin sa kakulitan.

Maaaring tatawanan mo na nga lang kapag matanda ka na dahil hindi mo ring iisipin nagawa mo ito noon. Kagaya na lamang ng kumakalat ngayon sa Facebook na ginawa ng batang ito.

Credit: Goodtimes




Pinost ng ina ng bata na si Rozita Abdul Razak sa kanyang Facebook ang anak na tila nag swimming sa tubig na nasa eskwelahan. Sinaway naman siya ng ina at tinanong kung bakit siya nag swimming doon.

Nakakabigla nang sinabi ng bata na kaya siya naligo doon dahil ilang beses na daw niyang niyayaya ang ina na mag swimming at hindi daw siya dinadala sa swimming pool kaya doon na lang siya nag swimming.

Credit: Goodtimes

Hindi na nga naman talaga inisip ng bata na may makakakita sa kanya. Ang mahalaga ay nag enjoy siya at nagawa niya ang gusto niya.



“I was shocked! There was a teacher who told me ‘That’s your son playing in the water!!’, I thought it was just a little bit but turns out he was swimming! His elder brother confronted him but ended up getting chased. When I asked him what he was doing, he answered ‘Mum, you never take me to a pool!‘,” sambit ni Rozita sa kanyang Facebook post.

Credit: Goodtimes

“I didn’t chase after him. He would have run the entire perimeter of the school and I would have gotten tired. It was even more fun considering he had a large audience. #Child God’s gift,” dagdag pa niya.

Samantala maging mga netizens ay tuwang tuwa sa kanilang mga nakita.

Credit: Goodtimes

“Keep it up kid, you’ll miss your childhood when you’re big,” sambit ng isang netizen.

Mayroon pa tuloy nag alok na netizen ng libreng byahe at pa swimming sa isla para naman masiyahan siya at ang kanyang kapatid.

“We want to offer a FREE trip to the island for you and your brother. Then you can swim until you’re satisfied,” sambit ng netizens.