Bride, humagulgol sa galit dahil ang pinapangarap nyang kasal, nauwi sa pagkadismaya dahil sa kanyang wedding coordinator

Lahat tayo ay pinapangarap na ikasal at syempre may mga dream wedding tayo na talagang pinaplano at pinaghahandaan.. Kanya kanya ng theme o disenyo ang ating gusto para mapaganda ang ating kasal.

Ang iba’y gusto ng church wedding, garden wedding o kaya nama’y beach wedding. Kaya, napakalaki ng papel ng wedding organizer para mapaganda ang kasal.

Credit: Raffy Tulfo in Action Youtube



Bilang isang wedding organizer, sila ang bahala sa lahat ng aspeto para maging well coordinated ang lahat mula sa ceremony, reception, catering at iba pa.

Pero paano kung ang pangarap mong kasal ay tila naging disaster dahil sa kinuha mong wedding coordinator.

Yan ang naging sentro ng reklamo ni Ruby Rubillos sa programa ni Idol Raffy Tulfo na ikinasal lang ngayong buwan. Inireklamo niya ang kanyang wedding coordinator na si Ma. Eliza Cabeso.

Credit: Raffy Tulfo in Action Youtube

Matapos kasi niyang magbayad ng buo na nasa halos 150,000 pesos, hindi kumpleto ang serbisyo dahil tila kulang ang pagkain. 150 pax ang pinahanda ngunit 100 pax lang ang sinabi ng coordinator sa caterer. Wala ding bridal car at plastic pa ang mga bulaklak. Maging ang reception ay walang presidential table para sa mga ninong at ninang at mayroon pang mga mesa na wala man lang table cloth o disenyo.

Credit: Raffy Tulfo in Action Youtube

Sabi pa ni Idol Raffy, kulang na lang daw sa mesa ay baraha para makapag tongits na.



Ang masaklap pa, kasama ni Ruby ang caterer at photographer dahil di pa pala nagbayad si wedding coordinator sa kanila.

Kaya sa ikalawang bahagi, pumunta na si Eliza sa programa at dinepensa ang sarili. Iginigiit nyang hindi totoo lahat ng akusasyon ni Ruby at babayaran naman daw niya ang caterer at photographer.

Sa pagtatapos, nag usap na lamang si Eliza at caterer at photographer na magbabayad siya hanggang Hunyo 25 pero kay Ruby ay magsasamapa daw siya ng kaso.

Nag follow up naman ang programa kay Eliza ngunit secret daw ang kaso na isasampa at tinanong naman si Ruby at wala pa sila natatanggap na subpoena.

Samantala, na kay Ruby naman ang simpatya ng mga netizens at inis na inis sa wedding coordinator. Narito ang kanilang mga komento:

“Kawawa naman si bride. Kaya nung kasal ko, ako lahat. Kahit hirap na hirap ako, ako lahat. Wala akong pinayagang makialam. Pati husband ko, color choice lang ang contribution niya, ahahaha. Happy naman siya, wala siyang stress. Sobra pa kmeng nakatipid. ?

Credit: Raffy Tulfo in Action Youtube

“Professional na manloloko!! Maraming costumer na clang naloko!! Hahaha nakakatawa ka manang! Ang kapal naman ng face nyo!”

“pakulong mo yan sir RAFFY??? ka buwesit yng wedding planner yan sir. naninira ng buhay ng tao ??? lahat ng pangarap ng babae ang maikasal ng maayos .??? nakaka buwesit araw ng kasal ???

Credit: Raffy Tulfo in Action Youtube



“buti pa sa probinsya namin pwede kang manghiram sa barangay tas yung magluluto ng mga pagkain, yung mga kamag anak tsaka mga kakilala. tulong tulong lang din sa pag aayos at pagpapaganda sa venue”

“file a case and get a full refund. So un-professional yang coordinator. daming wedding coordinators and caterers na kayang magbigay ng maayos na wedding at budget friendly pa tapos 100k pa yan?”