Pokwang, sinurportahan ng mga Netizens sa kanyang panawagan tungkol sa pag-order ng pagkain sa Grab

Sa panahon ngayon, lahat na nga yata ng klase ng serbisyo mula sa transportasyon, komunikasyon, food delivery ay mas pinapabilis at pinapadali para sa atin.

Isa sa mga serbisyong patok ngayon pagdating sa pagkain ay ang Grab Food. Imbis na ikaw ang lumabas, bumili at pumila, ang Grab Food ay ang driver na mismo ang mag oorder at ihahatid ito sa lugar ninyo. Napaka convenient na nga naman ito, hindi ba?



Credit: Itspokwang27 instagram

Kaya naman, nagsalita at nag post ang komedyanteng si Pokwang para sa kanila. Ayon kay Pokwang, mismong pera pala ng driver ang ginagamit sa pagbili ng mga pagkain na pinapa deliver. Kaya naman, dapat lang na maging ma konsiderasyon at wag basta mag cancel o mantrip sa mga Grab Food drivers dahil malaking sakr!pisyo din ito sa kanila.

“May isang driver na tinatanong ko kung may change siya for 1000 at ang sabi niya, 500 lang daw ang puhunan niya araw-araw. Pera ng driver ang pinambibili ng pagkain natin, Guys! Kaya maawa kayo sa mga riders ng GRAB FOOD. Sila nag-papaluwal, pumipila, naghihintay at naghahatid ng pagkain sa atin para hindi na tayo lumabas ng bahay,” saad ng post ni Pokwang.

Credit: Itspokwang27 instagram



Kaya naman, maging mga netizens ay naiintindihan ito lalo na’t mayroong mga iba na mapanamantala. Sang ayon naman ang mga netizens kay Pokwang at narito ang kanilang mga komento:

“Tama nmn c pokwang sa cnvi nya..naghhnapbuhay ng maayos at marangal ang mga taong yan pra sa binubuhay n pmilya,,tpos gnun lng ggwin ng mga taong wlng problema x buhy kundi mnggago lng ng kpwa..plibhasa sila mumulat nlng ang mata nklhad n x knila lhat ng kailngan nila..”

Credit: Itspokwang27 instagram

“Tama .Sa traffic ba naman d2 satin nagtataka pa cla. Consideration naman mga kaibigan. Dahil hndi nila gugustuhin na mawalan ng work. Talagang natural lang na mangyari ang ganyan paminsan minsan”

“Kasi yong mga nag order nag base sila sa time limit na kung hndi darating sa time na sinabi cancel nila agad. kumbaga alam nanm ng customer yan hndi helecopter na walang trafik dahil sa ere dumaan. syempre hndi tlga maiwasan na may pagkakataon na malate ng ilang minuto.”

Credit: Itspokwang27 instagram

“Tama Ms Pokwang, nawa gayahin ka ng karamihan lalo na ang mayayaman. Huwag mahing MATAPOBRE, kasalang malaki sa DIOS”



“Totoo bumubuhay cla ng pamilya sana wag naman lokohin kc araw,ulan at gabi naghahanapbuhay cla ng marangal”

“Ipabayad nlang sa mga nagpaadvertise ng ganoon k bililis para lng sila kumita”