“Raise your flag,” talaga nga namang sumikat ang mga linyang ito sa ating mga Pinoy matapos itong isagot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray nang tanungin siya kung ano ang pamagat ng awitin na nais niyang gawin para sa mga Pinoy.

Talaga nga namang iba ang dugo ng Pinoy. Mapapataas noo at mabibilib ka na lang talaga sa ating diwang makabayan. Kaya naman, noong Hunyo 12 ay ipinagdiwang natin ang ika 121 na taon ng kalayaan ng bansang Pilipinas.
Ang Araw ng Kalayaan ay talaga namang dapat lang nating ipagdiwang dahil matapos ang mahabang panahon na pagsakop sa atin ng mga dayuhan, tayo ay lumaya at nagkaroon ng kasarinlan at dangal bilang mga Pilipino. Ito ang tunay na nagpatibay sa atin.

Pero hindi lamang dito sa Pinas ang pagdiriwang natin nito. Maging sa ibang bansa ay umabot ang kanilang pagbati sa ating selebrasyon.

Isa na ang bansang Dubai sa mga bumati sa atin. Napaka espesyal ng kanilang pakikiisa at pagbati sa atin. Makikita kasi sa facade ng Dubai Festival City Mall ang ilan sa mga larawan na talaga namang sumisimbolo sa ating pagka Pilipino.

Nariyan na ang bahay kubo, Pinoy jeepney, ang mga festivals at ang mga ngiting Pinoy. Maging mga Pinoy pride na sina Manny Pacquiao at Catriona Gray ay ipinakita doon.
“First time in the history of UAE! Philippine flag in Burj Khalifa & Dubai Festival City!!???♥️♥️♥️ Yung naririnig mong nagsisigawan yung mga kabayan mo? Ramdam mo ang pinas!!!!?
#HappyIndependenceDay!
#raiseyourflag!!!!????????
#ThankyouDUBAI!!!,” saad ng caption sa social media.
Talaga nga namang nakaka proud na ikaw ay isang Pilipino. Mula sa dugong nananalaytay, pusong tumitibok at diwang nananaig sa atin, ay talaga namang Pinoy pride. Iyan ang tunay na Pinoy.
Maging ang mga netizens ay tuwang tuwa at hangang hanga dahil dito. Narito ang kanilang mga komento:
“na Amaze talaga ko dto kgv.un proud na proud ka talaga s BANSANG PINAS. Dhil bihira lan ang pni picture nl jan s burf proud to be PINOY?????❤️❤️❤️ MABUHAY DUBAI??❤️❤️❤️ shukran shukran kitir kitir❤️❤️❤️ana hab bi❤️”

“Proud kami ofw D2 sa UAE”
“Very amazing so nice i hope im in the dubai during that time?”
“Mas maganda sana idagdag na din yung mga taong totoong NAKIPAGLABAN upang makamit ang KALAYAAN, kasi sila ang tunay na nagpalaya sa pang aaping naranasan ng ating mga ninuno.”

“yup tama po s UAE kilalang kilala tlga c Pacman pati c Terrence Romeo karamihan ng mga batang arabic kilala c Terrence Romeo cguro dahil s FIBA pro balik tau ky pacman idol ntin yan”