Iya Villania at Drew Arellano, bongga ang pasyal kasama ang kanilang anak nila sa Disneyland, USA

Ano ba ang kayang gawin ng mga magulang para sa kanilang mga anak? Maaaring sabihin natin na wala silang hindi kayang gawin para mapasaya at maibigay ang pangangailangan ng mga anak.

Sabi pa nga nila, matitiis ng anak ang kanyang mga magulang pero hindi matitiis ng magulang ang kanyang mga anak. Kahit pa ano ang nagawa ng mga anak, ibibigay at gagawin pa rin ng magulang ang lahat para lamang sa kanilang anak. Iyan ang pagmamahal na mayroon ang mga magulang sa kanilang mga anak.



Hindi mo nga naman ikakaila na iba ang pakiramdam ng mga magulang kapag makikita nila ang mga ngiti sa labi ng kanilang mga anak. Kung masaya ang isang anak, mas doble ang saya ng magulang dahil sila ang nangungunang masaya para sa anak.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Hindi ikakapahamak ang iniisip ng mga magulang sa kanilang anak kundi ang kanilang kapakanan at ang kanilang kasiyahan ang laging nasa isip nila.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Kaya naman, gagawin lahat ng aktres at host na si Iya Villania Arellano at Drew Arellano sa kanilang baby boy para lamang mapasaya siya.

Nakarating sila ng Florida, USA para makapag tour sa Disney World at Toy Story Land. Talagang sayang saya ang buong pamilya dahil dito.



Napakagandang bonding nga naman nito dahil magkakasama silang lumilibot sa ibang bansa at punong puno ng kasiyahan at pagmamahal. Narito ang buong kwento ni Iya sa kanyang IG.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

“Definitely couldn’t pass up the chance to visit Disney World and Toy Story Land in Florida with our little kuya for Toy Story 4 ❤️ so proud of my brave boy who is actually afraid of mascots but bravely approached them with his papa and gave them a high five and even let them hug him 😆 I think all parents know that seeing the smile of their child is truly priceless ❤️ Would do anything for my boys ❤️Just like how Woody would do anything for his “kid” (owner— incase you think it’s a spoiler 😂 so no, he doesn’t become a dad, ok? 😂😆 Haaay… Toy Story 4 ❤️ So good 😊 Catch it starting June 20! 😊 #ToyStory4ph

Dagdag pa ni Iya, takot man sa mga maskots ang kanilang anak. Nalagpasan na niya ito matapos pa niyang makipag high five sa mascot kasama ang kanyang daddy.


Nagawa pang mag promote ng movie na Toy Story 4 si Iya na ilalabas sa atin sa June 20.