Anak ni Jose Manalo na si Benj, sweet na sweet sa surpresang pag-propose sa girlfriend nyang si Lovely Abella

Ang pagpapakasal ay isang desiyon na dapat pag-isipan at paghandaan. Hindi ito isang mainit na kanin na isusubo na kapag napaso ay bigla na lang iluluwa. Kaya, dapat lamang na paghandaan ito.

Ang dating dancer sa mga noon time show ni Willie Revillame na si Lovely Abella ay papasok na sa mundo ng pag-aasawa matapos mag-propose sa kanya ng anak ng comedian at host na si Jose Manalo, si Benj Manalo sa harap ng kanyang mga kaibigan at mga mahal sa buhay.


Credit: LOVELYNationOfficial Instagram

Nakatanggap naman ng matamis na “oo” si Benj mula kay Lovely. Hindi talaga inasahan ni Lovely ang lahat. Akala niya’y gumagawa lamang sila ng music video at nakikipag kuntsaba pa siya sa mga kaibigan nila. Narito ang kwento ni Lovely:

“Yung gulong gulo ako sa pangyayari.. una may ginagawa siyang music video, at humingi siya ng favor sakin mag cameo sabi pa niya ininvite niya mga friends ko, naisip ko tulong nga naman para mapromote lalo yung music video niya.. pagdating ko kanina from embassy lahat sila, ang sabi bat ganyan suot mo para kang PTA teacher..”

Credit: LOVELYNationOfficial Instagram

” tapos wala pa din akong idea kung bakit, pero super nagpapasalamat ako kasi andon daw si @iamjnapoles @ilovekaye @kimsmolina @pepe.herrera @paengerzi @alexvmedina @powercaressing sabi ko wow full support sila nagpasalamat talaga ako sknila sa supporta nila.. tapos hetong si @amazingbetong nagmamakaawa pa ako na sumama siya tulong kay benj sabi pa niya baka kailangan ipaalam sa artist center sa isip ko ( ang arte naman nito) pero kinausap kunyari ng rm ko yung rm niya.. ang galing..”

Dagdag pa ni Lovely, hindi niya inasahan na nag propose na si Benj dahil inumpasahan ni Benj ang kanyang speech sa pasasalamat, at lagi namang nagpapasalamat si Benj sa kanya kaya akala niya’y normal lamang ang lahat ng ito.

Credit: LOVELYNationOfficial Instagram

Manghang mangha si Lovely kay Benj dahil sa galing ni Benj sa pagpaplano.




“Ang galing mo babe @benj naplano mo lahat ng wala akong nahahalata, salamat sa pagmamahal, salamat sa lahat.. alam kung di ako perfect, pero trying my best na maparamdam sayo ang pgmamahal na deserve m0!! Love you so much!! Finally,” sambit ni Lovely.

Credit: LOVELYNationOfficial Instagram

Narito naman ang mga komento ng mga netizens dahil dito:

“Naalala ko ung wowowie dati ng ccmula p lng c lovely sbi nya gumgapang p lng anak nya kailan nya ng pan biling gatas at diaper..kya ng ssumikap sya..nkkatuwa c lovely sobrang totoo..”

“Bagay ang ganda ng mga muka nila …gusto q sila
Godbless …and your family as well”

Credit: LOVELYNationOfficial Instagram

“simple lang face ni lovely pero gandang ganda ako sa kanya..”

“Ahahaha ang third earth ko nauna ko na recognized yung benj sa probinsyano.. pero ngayon ko lng nalaman anak sya ni jose…”

“Father in law muna si Jose manalo congrats idol”

“Congrats! Gods blessings be with you forever.”