Jinkee Pacquiao, natuwa nang kantahan ng kanyang inaanak na si Scarlet Snow ng kantang “A whole new world”

Nagsisilbing pangalawang magulang ang ating mga ninong at ninang na kinukuha sa ating mga binyag. Bilang pangalawang magulang, sila ang mga inaasahang makakatuwang ng mga magulang sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Marami nga namang mga pangangailangan ang isang bata. Maaaring ito pampinansyal, emosyonal, o iba pa. Sa mga bata ngayon, hindi na lamang puro pera o kagamitan ang kanilang kailangan.



Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Mas kailangan nila ng gabay na nagmumula sa mga magulang. At syempre, hindi ito kaya ng mga magulang nang nag-iisa. Nandiyan ang mga ninong at ninang bilang katulong nila sa paggabay sa pagpapalaki sa mga bata. Iyan ang pangunahing responsibilidad ng isang ninong at ninang sa kanilang mga inaaanak.

Kamakailan lang ay binisita ng kaniyang mga ninang si Scarlet Snow, anak ni Dra. Vicki Belo at Hayden Kho. Makikita sa IG post na sama sama si Vickie at Scarlet pati ang kanyang mga napakagandang mga ninang na sina Ninang Dyan Castillejo, correspondent ng ABS CBN at Ninang Jinkee Pacquiao, asawa ni Senator Manny Pacquiao.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

“victoria_beloScarlet serenades Jinkee and Dyan with A Whole New World ☺️Thank you for visiting @scarletsnowbelo and I ♥️@jinkeepacquiao @dyancastillejo,” saad ng caption ng IG post ni Dra.

“Fun afternoon” kung ilarawan nila ang pagbisita dahil talaga namang masayang masaya sila. Bukod sa mga kwentuhan at mga masasarap na pagkain, bumida si Scarlet at ipinamalas niya ang kanyang talento sa pag-awit.



Makikita sa IG post ni Dra. Vicky Belo ang pagkanta ni Scarlet ng napakasikat na awitin ngayon ng Aladdin na “A whole new world”.

 

View this post on Instagram

 

Thank you for visiting @scarletsnowbelo and I ♥️ @jinkeepacquiao @dyancastillejo

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on


Syempre, todo bigay si Scarlet sa pag awit at pinatunayan niya na talaga namang napaka talented niya at napakaganda pa ng boses.



Kaya naman, nakikitaan talaga siya ng malaking potensyal lalo na sa pag-aartista dahil sa kanyang galing, talino, confidence at talagang talented pa. Lahat nga naman ay talagang manghang mangha sa kanya.

Credit: Vicki Belo Instagram

Inaabangan tuloy sa pagdating ng araw ang posibleng pag-aartista ni Scarlet. Dagdag pa ng mga netizens, napaka cute at adorable daw talaga ni Scarlet. Habang ang iba’y stree reliever nila siya dahil sa kanyang galing at overloading beauty.
.
Nakaka touch nga naman na kantahan ka ng inaanak mo ng espesyal na awitin. Napakagaling at sweet talaga.