Alex Gonzaga, pinatawa na naman ang mga Netizens sa bago nyang music video kasama ang kanyang Mommy Pinty

Talaga nga namang nakakapagbibigay ng aliw ang mga kanta na sumisikat ngayon. Anuman ang genre, nakakaindak man o nakaka inlove, patok na patok sa mga madla ang mga bagong kanta na lumalabas ngayon.

Sabi nga nila, nagsisilbing kaluluwa ng kultura ng isang lugar o bansa ang iba’t ibang mga awitin. Kung kaya’t anumang klase ng awit ay mayaman ang ating bansa.

Credit: Ms, Alex Gonzaga Youtube


Isa nga naman sa mga sumisikat ngayon pagdating sa awitin at music video ay ang artista at vlogger din na si Alex Gonzaga. Matatandaang sikat na sikat ang kanyang naging kanta na “Chambe”.

At ngayon pagkatapos ng sikat na sikat na awit na ito, mayroon na siyang bagong kanta na talagang patok na patok sa lahat at dindicate pa niya ito sa kanyang ina na si Mommy Pinty Gonzaga kaya pinamagatan itong “Tipints”.

Credit: Ms, Alex Gonzaga Youtube


“Eto ay kanta para sa mga pinakamamahal natin mga nanay. Kantahin nyo sa kanila ipalit nyo nalang totoong pangalan/palayaw ng mama nyo sa “tipints” part,” pagbabahagi ni Alex.

Samantala, ang music video na talaga namang napakaganda ay dinirek ng kanyang malapit na kaibigan na si Fifth Solomon na kanyang nakasama sa isang video na “24 hour jowa challenge”.

Marami nga naman ang na aliw at natuwa. Lalo na’t ang awitin ay dedicated pa sa lahat ng mga masisipag at mapagmahal na ina na talaga namang dapat lamang pag alayan ng kanta.


Kaya naman, pinuri ng mga netizens si Alex at tuwang tuwa talaga sa kanya. Narito ang kanilang mga komento:

“Magka anak ka ba ng ganito katino, never boring buhay pamilya at sure medyo elevated bp mommy pinty. I love alex natural kulit factor. Since start ka pa lang alex fan na ako you have a gift to entertain and very witty.”

Credit: Ms, Alex Gonzaga Youtube


“HAHAHA haaay Alex! sana magkaanak ako gaya mo, sakit sguro lagi ng tiyan ko katatawa 🤣🤣 Lakas maka-goodvibes eh 😅..”

“whahaahha siguro dito nainlove bf niya sa kanya yong tipong hindi boring maaaliw ka at all in sa panahon hahah pangit naman kasi super serious😂😂😂go go 😆.”

“Hahahhahahahahahaha nako aabangan ko next na kanta ni Alex na “Toni G!” Nakaka aliw yunh tipints hahahaha natatawa ako na naaliw haaay jusko ka alex! hahahaha”

Credit: Ms, Alex Gonzaga Youtube


“Congrats Ate Cath. My ears are super ready to listen for this masterpiece of yours the whole day.”

” kudos alex ur a good example to us.kip it up!regards to your mommy pinty”