Mga Celebrity Mommies na nanganak ngayong umpisa ng taong 2019

Talaga nga namang todo ang pasasalamat natin sa ating mga ina na laging nandyan na handang ibigay ang lahat para sa kanilang pamilya. Wala nga naman tatalo sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak, mula sa siyam na buwan na pagdadala sa atin sa kanilang sinapupunan hanggang sa panganib ng pagpapa anak sa atin.

Dagdagan pa ng kanilang mga pagpupuyat sa gabi para tayo ay patulugin at patigilin sa pag-iyak. Wala pa diyan ang pag-aalaga nila sa atin hanggang sa ating paglaki. Hindi ba’t higit pa sa propesyon ang pagiging ina?



Wala nga namang day off o wala ding resignation sa pagiging ina. Walang makakapalit sa iyo sa posisyon mo. Bilang isang ilaw ng tahanan, ang isang ina ang siyang hindi napupundi at patuloy lamang nagliliwanag dahil sa pagmamahal na mayroon sila sa kanilang pamilya.

Buti na lamang at nakakayanan nila ito at hindi kumukupas ang kanilang ganda. Kagaya na lamang ng mga bagong celebrity moms na talaga namang makikita ang ganda at saya sa pagiging ina. Narito ang ilan sa mga celebrity moms na nagsilang ngayong umpisa ng 2019.

1. Marian Rivera

Siyempre, hindi magpapahuli ang Primetime Queen ng GMA 7 na si Marian at ang King na si Dingdong Dantes dahil dumating na rin ang kanilang second baby at baby boy na si baby Ziggy.

Credit: Dingdong Dantes Instagram

2. Rochelle Pangilinan

Ang dating sikat na dancer at ngayon ay aktres ay dumating na rin ang unica hija nila ni Arthur Solinap.

Credit: Rochelle Pangilinan Instagram

3. Gee Canlas

Ang dating PBB housemate ay masaya na rin sa kanyang pamilya matapos niyang manganak noong Abril na isang healthy baby boy. Masaya naman siya sa kanyang husband na si Archie Alemania.



Credit: Archie Alemania Instagram

4. Rica Peralejo

Matagumpay na naipanganak ni Rica ang kanyang second baby matapos ang kumpl!kadong pagbubuntis. Kaya naman, happy family talaga ang pamilya ni Rica.

Credit: Rica Peralejo Instagram

5. Nadine Samonte

Ang dating Star Struck alumna na si Nadine Samonte ang nanganak naman sa kanyang ikalawang baby.



Credit: Nadine Samonte Instagram

6. LJ Reyes

Bumungad naman sa taong 2019 ang panibagong blessing kina LJ at Paolo Contis ang kanilang cute na cute na baby na si Baby Summer.

Credit: LJ Reyes Instagram

7.Miriam Quiambao

Ang ating Miss Universe 1st Runner Up 1991 na si Miriam Quiambao ay nanganak na rin kay Baby Elijah.



Credit: miriamq888 instagram

8. Andi Manzano

Naguumapaw naman sa ganda si Andi at naipanganak na din niya ang kanyang ikalawang baby.

Credit: Andi Manzano Instagram