Estudyante, idinaan sa sobrang disiplina ang pag-iipon mula sa kanyang baon kaya umabot ng 26K ang kanyang pera sa bangko

Isang paraan ang pag-iipon upang sa oras ng kagipitan ay mayroon tayong magagamit. Hindi sa lahat ng oras ay may dumarating kung kaya’t mas nararapat lang na sa oras ng kaginhawaan ay mag ipon upang sa oras ng kagipitan ay may nakalaan na pweding mong maasahan.

Katulad na lamang ng ginawa na makikita sa facebook post ni Coristine Scimorious. Dito nito ikinuwento kung paano siya nakaipon ng malaking halaga mula sa kanyang baon.

Credit: Coristine Scimorius Facebook


Araw-araw ay nagbabaon siya ng 150 pesos. Mula dito, 20 pesos lang ang kanyang ginagastos at siya’y nagbabaon na lamang ng pagkain. Dito niya nakukuha ang kanyang weekly goal na 650 pesos.

“Mahirap talagang mag-ipon, kasi unang una sa lahat, ang hirap iwasan ng pagkain. ‘Yung tipong iipunin mo sana e ipambibili ko pa siya ng pagkain, ” sambit ni Coristine.

“So ang ginawa ko, nag-open muna ako ng BPI Kaya Savings Account, convenient siya sa mga students kasi PHP 150.00 lang ang bayad upon opening sa account tapos walang maintaining balance. Though kada-withdraw mo lang e mababawasan ka ng PHP 5.00,” dagdag pa ni Coristine.

Isa din sa mga naging puhunan ni Coristine ay ang disiplina at ang pag kontrol sa sarili.

“Lagi ko rin dinidisiplina ang sarili ko, lagi kong iniisip ‘yung needs before wants. Kasi kung talagang determined kang mag-ipon, makakaipon ka talaga,” banggit ni Coristine.

Samantala, mayroon namang ibang mga netizens na nagsasabing malaki lamang ang kanyang baon kaya niya nagawa ito. Sa kabila nito, mayroon rin namang mga netizens na dumepensa sa kanya.

“Sa mga nag comment po dito about sa pagkakaipon nong student. Hindi nyo yata po binasa ang buong estorya kung pano nya naipon.. Sabi po ng student ang baon po nya ay 150/day at 20 lang po ang binabawas nya para sa pamasahe yong tira yon ang talagang inipon nya hulog nya bpi. Dinisplina nya sarili nya at nag aet ng goal na mai save ang 650/week. May baon na siya na pagkain.”

“50 baon ko dati pamasahe tska pang kain sa school di ko tlga kayang ipunin kc Maglalakad at magugutom ako sa school di ko kya un😅 di biro mag aral ng gutom”

Credit: Coristine Scimorius Facebook

“Depende po yan sa baon ng mga bata.at kong ang mga bata ay di na humihingi ng pang project malaking bagay na rin.”

“Buti p xah 150 ako 20 pesos simula elementary till college sa awa ng dios nakakaipon ako s alkansya kc ngtitinda aq at sidelines pra maka survive”

“Yong anak ko may sarili na din cyang ATM nakaka touch isipin na kahit bata pa eh nag iisip na sa kinabukasan nya..sana lang hwag matukso sa mga kaklaseng pasosyal lang ang alam.”