Andres Muhlach, idinaan kay Richard Gomez ang imbitasyon upang maimbitang maging ka-date sa prom ang anak nyang si Juliana

Bahagi ng ating kabataan ang dumalo sa mga prom. Syempre, isa sa mga paghahandaan ay ang mga magagarbong damit na isusuot. Paniguradong, ball gown o cocktail dress sa mga girls at coat and tie sa mga boys depende sa tema.

Credit: loveandresandatasha instagram

Maliban sa isusuot, asahan mo din ang magarbong disenyo at set up na talaga namang kakaiba at kaakit akit.



Pero sa kabila ng lahat ng ito, mayroong mas mahalagang bagay na dapat paghandaan at bigyang pansin sa isang prom. Siyempre, ito ang magiging kasama mo sa buong oras ng prom at ang makakasayaw mo, walang iba kundi ang magiging partner o ang prom date mo.

 

View this post on Instagram

 

How to be Juliana Gomez? ❤️❤️❤️ #AndresMuhlachMostHandsomePromDate

A post shared by Andres Muhlach Atasha Muhlach (@loveandresandatasha) on


At para yayain ang magiging prom date mo, kanya kanya tayo ng paraan at istilo kung paano nga naman mapa-oo ang napakagandang dilag na napupusuan mong maging prom date.

 

View this post on Instagram

 

Omg #AndresMuhlach #promdate #dreamdate #AndresMuhlachMostHandsomePromDate

A post shared by Andres Muhlach Atasha Muhlach (@loveandresandatasha) on


Ang iba’y talagang pinaghahandaan ang sasabihin o may mga pakulo pa ang iba para mapapayag ang kanilang ninanais na prom date.

Credit: loveandresandatasha instagram

Kaya naman, ang isa sa mga anak nina Aga Muhlach na si Andres ay nag isip ng paraan kung paano yayain ang anak ni Richard Gomez na si Juliana.



Credit: loveandresandatasha instagram

Imbis na dumirekta nga naman si Andres kay Juliana. Ibang paraan ang kanyang naisip dahil hindi rin kasi sila ganun ka close ng dalawa.

Kinausap umano ni Andres ang kanyang ama na si Aga na kausapin ang ama ni Juliana na si Richard.

Credit: loveandresandatasha instagram

Dumaan nga naman muna sa proseso ang paghingi ng permiso na talaga namang dapat lang gawin ang tama.

Credit: loveandresandatasha instagram

Ibinahagi ito ni Lucy Torres Gomez, ina ni Juliana sa kanyang interview sa Pep.ph.



Ayon kay Lucy, election day daw ang prom na ito at nasa Ormoc sila noong araw na iyon.

Credit: loveandresandatasha instagram

“I think it was election day, or the day after, we were in Ormoc and Aga called up Richard. Basically Aga was asking if Andres could call up Juliana for his prom,” sambit ni Lucy Torres Gomez, ina ni Juliana.

Nakakatuwang isipin na ang kanilang ama pa ang naging daan para dito. Pero mas maigi nga naman ito, ang mahalaga ay nakahingi siya ng permiso sa ama ni Juliana.