Ogie Alcasid, tinawagan si Willie Revillame habang nasa “It’s Showtime” upang ipakausap sa isang contestant ng “Tawag ng Tanghalan”

Ang pagtulong sa tao ay isang bagay na talaga namang nakakataba ng puso. Hindi maibabalik ng kahit ano mang materyal na bagay ang nararamdaman tuwing ikaw ay nakakatulong sa ibang tao.

Tatak na din naman sa ating mga Pinoy ang pagiging matulungin. Mapa opisyal ng gobyerno, artista, showbiz personalities o ordinaryong tao ay talaga nga namang matulungin.

Credit: ABS-CBN It’s Showtime Youtube

Isa sa mga personalidad na talagang kilala sa pagtulong sa tao mula noon hanggang ngayon ay si Willie Revillame o mas kilala bilang Kuya Wil. Nagpalipat lipat man ng TV network, hindi naman nagbago ang pagtulong niya sa tao.

Credit: Willie Revillame Instagram

Kaya naman, nakakabigla at nakakatuwa din ang nangyari sa isang segment ng It’s Showtime na Tawag ng Tanghalan sa ABS CBN.

Isang contestant na si Clyde Borongan ang tila may request. At nakakatuwang isipin na nakuha pang kausapin ng contestant si Kuya Wil sa pamamagitan ni Hurado Ogie Alcasid.

Credit: ABS-CBN It’s Showtime Youtube

Tawang tawa ang mga viewers hanggang sa nagkaroon ng request si Clyde kay Kuya Wil at iyon ay ang maregaluhan ang kanyang anak ng isang dr0ne.

Pinangako naman ni Kuya Wil ang nasabing dr0ne at natanggap na rin ito ni Clyde. Tinupad nga naman talaga ni Kuya Wil ang kanyang pangako.

Credit: ABS-CBN It’s Showtime Youtube

“Kanina, naipadala na niya,” kwento ni Ogie.

“He made it sure na makarating. So, nag-text siya sa akin, ‘O, ayan, napadala ko na.’ Nakaka-good vibes iyon, ‘di ba?” dagdag pa ni Ogie.

Ito nga naman ang patunay na matulungin at bukas lagi ang puso ni Kuya Wil sa lahat ng tao. Narito ang mga komento ng papuri ng mga netizens kay kuya Wil.

“Kaya sobrang bless c kuya will Kasi napaka busilak ng puso mo,mabait, matulungin,maka diyos,biro mo NASA kanilang station na nagawa molang tulungan,hanga talaga kami sayo Kuya will”

Credit: ABS-CBN It’s Showtime Youtube

“Thank you kuya wiil ka ng kahit saan sulok ng pilipinas sa dami ng iyong natutulungan mga tao sla ang ung kalakasan ng katawan mo wish ko lng kay god palagi kang gabayan at humaba pa ang buhay mo sana makita kta ng ng personal salamat po..”

“Yan si wille idol ng bayan kasi ranas din nya nun araw na wlang wla sya ,,,kuya will pwde ma kiss kita ng personal kht saan chinel ka lumipat duon dn ako eh kasi love kita 🤣👍💗bilang idol nkka jyak kasi ang show mo 🙏😘😭

Credit: ABS-CBN It’s Showtime Youtube

“Mabait c willie sineshare nya blessing .kya xa pinagppala ni lord”

“Ang bait tlaga ni kuya will.sna ako rin matulungan…”

“ang bilis ni wille napadala agad hahaha araw talaga ng contender na yan”