91-taon na Teacher, wala pa ring kupas ang galing sa pagtuturo ng Geometry, Algebra, Trigonometry at Physics

Maituturing na bayani ang mga guro na talaga namang inaalay ang kanilang oras at buhay para lamang matuto ang kanilang mga estudyante. Mula elementarya hanggang kolehiyo, sila ang ating mga kasangga sa ating mga pangarap. Kung kaya’t hanggang sa ating pagtanda ay hindi natin sila makakalimutan.

At halos nga naman sa kanila ay tumatanda na rin sa propesyon dahil sa kanilang ipinapakitang dedikasyon sa trabaho.

Credit: Buhay Teacher

Kagaya na lamang ni Sir Gonzalo Maravilla o mas kilala bilang Si Along na masasabi nating isa sa mga pinakamatandang guro sa eskwelahan.

Sa kanyang edad ngayon na 91, aktibo pa rin siya sa pagtuturo ng asignaturang
Physics sa mga Grade 10 students sa Madyaas Institute at Albasan Numancia sa Aklan. Nagsimula siyang magturo noong 1950 at dito na rin eskwelahan na ito na pinangunahan din ng kanyang ama.

Credit: GMA Public Affairs Youtube

Ayon pa kay Sir Along, wala naman siayng balak magretiro.

Hindi naman makikitaan ng panghihina si Sir Along dahil kauang kaya pa niya tumayo o maglakad. Biruin mong araw araw ay nilalakad niya lamang ang kanilang eskwelahan mula sa kanyang bahay.

Credit: GMA Public Affairs Youtube

Kung ang iba’y sa edad na ito ay medyo mahina, malakas pa rin ang pangangatawan ni Sir Along at matalas pa rin ang kanyang isipan.

Maging ang kanyang mga estudyante ay bilib na bilib talaga sa kanya. At mga netizens ay hangang hanga din sa kanilang mga komento:

“Wow nkaka proud kc sa ganyan edad imbes nag papahinga sa bahay sa skul pa rin ang punta at isip nya principal at halos teacher sa skul na tinuturoan nya naging estudyante proud po ako sau Sir.
#proudofmeforteacher

Credit: GMA Public Affairs Youtube

“Walang katulad sir along magturo sobrang talino sobrang bait nyan..sana marami ka pang maturuan..god bless u sir along..”

“Saludo po ako sa Inyo sir isa Lang pong patunay na ang edad ay di basehan utang patuloy na makapaglingkod sa pamayanan isa po kayong buhay na bayani at karapatdapat Lang pong bigyan ng parangal ng ating pangulo dahil po sa Inyong serbisyo sa bayan”

Credit: Buhay Teacher

“We salute you Sir for your love and sacr!fice for the youth. You made a legacy. You can be one at the Guinness Book. You are an inspiration to us. Hope I can do what you have done. With the guidance of our Lord. We love u lolo. Thank you for sharing your knowledge to the youth. God gives you always good health”

Credit: GMA Public Affairs Youtube

“SIR Im so proud of you.Your amazing good fearing person..Until now your sharing your talent and be a good models to your student GOD BLESS U..And more more yaers..”