Netizens, di napigilian ang mapaluha dahil sa mensahe ng anak para sa kanyang tatay na driver

Ang pagtatapos sa pag-aaral ay isang bagay na dapat nga namang ikasaya at ipagdiwang. Ang iba’y talagang naghahanda ng pagkain bilang selebrasyon sa tagumpay na kanilang nakamit sa buhay.

Isang bagong hakbang na nga naman ang pagtatapos sa pag-aaral sa pag-abot sa tagumpay. Ngunit, tila kakaiba ang kwento ni Ryan Russel Reyes sa kanyang pagtatapos na makikita sa kanyang social media post.

Credit: Ryan Russel Reyes Facebook

“Nak, pasensya na wala pa ako pera eh, kain sana tayo sa labas, kahit jollibee lang sana.” iyan daw ang narinig ni Ryan sa kanyang ama noong graduation.

Hindi mapigilan ni Ryan na maluha kung kaya’t ipinahayag niya sa social media kung gaano siya kasaya at gaano kalaki ang pasasalamat na mayroon siya sa kanyang ama.

Ayon kay Ryan, hindi siya malungkot dahil hindi sila nakakain sa labas sa araw ng kaniyang pagtatapos. Kundi, masaya siya dahil mayroon siyang mapagmahal at laging nakasuporta ang kanyang ama sa kanya.

Ginugugol ng kanyang ama ang lahat ng kaniyang oras sa pagtatrabaho. Ni hindi niya alintana ang oras para lamang maibigay ang kaniyang pangangailangan. At kahit pusong babae si Ryan, ay tanggap siya ng kanyang ama kaya masayang masaya at proud siya sa kanyang ama.

Credit: Ryan Russel Reyes Facebook

“Lahat ng medalyang nakamit ko ay para lamang sayo, WALANG TATALO SA TATAY NA KATULAD MO. Kung tutuusin, ay napaka swerte kong tao na binigyan ako ng Diyos ng tatay na katulad mo. WALA KANG KATULAD!!NGAYONG ARAW ANG ANG PAG AANI MO NG IYONG MGA PINAGHIRAPAN.
MAHAL NA MAHAL AT PROUD AN PROUD AKO SAYO PAPA 💛,” bahagi ng social media post ni Ryan.

Credit: Ryan Russel Reyes Facebook

Kaya naman, hangang hanga din ang mga netizens sa kanya. Narito ang kanilang mga komento.

“Tama k Russel..di mhlaga kung walang blow out..ang pinka importante npagtpos k ng tatay mo…ang material n bgy segundaryo n lng…ang kinbukasan dala mo gang pagtanda”

“Congratulations dapat lang kasi kung wala ang iyong magulang hindi mo mararating ang iyong tagumpay sa pag aaral at higit sa lahat sa tulong ng Panginoon JESUS na Syang ng bibigay ng katalinuhan at karunongan sa isang tao .GOD bless you.”

“Ang Sarap nman ng ganyan Ang Anak mo..Josko ung Anak q binigay Na nga lahat lahat ng gusto mag aral Lang ng mabuti ..wa effect pa rin ..Bakit Kaya may ganun nuh..Sana ung Anak q mag Bago na..hayss kapagod..Congrats”

Credit: Ryan Russel Reyes Facebook

“Sana lahat ng AMA kaya panindigan ang responsibilidad sa mga anak…At sana lahat din ng mga ANAK matutong magpahalaga sa sakripisyo at paghihirap ng kanilang Magulang maibigay lang ang magandang Kinabukasan! To you young Man congrats and to your proud parent…God Bless!🙏

“Balang araw di lang jollibee ang kaya nyong kainin kaya nyo ng kumain sa mamahaling restaurant ganyan din kami noon halos kahit kanin at isda di namin makain kapag may sangkap na sardinas ang gulay fiesta na pero dahil sa pagsisikap ngayon nakakain na namin lahat ng gusto namin btw congrats to both of you pakabait ka lang lagi bilang anak makakamtan mo ang lahat ng pangarap mo dahil ang mabait na anak ay pinagpapala yan ng Dios wag maging madamot sa magulang kapag nakaluwag na sa buhay…”