Anne Curtis, nakuhaan ng video ni Jhong Hilario na tila nilalabanan ang antok na sya namang nakapagpatawa sa mga madlang people

Isa sa mga nagpapasaya sa mga Pilipino ay ang mga artistang nagpapasaya sa atin. Talagang kinagigiliwan ang mga showbiz personalities na nakikita sa telebisyon. Maaaring sila ay kumakanta sumasayaw o umaarte. Anu pa man ang kanilang ginagawa ang mahalaga ay napapasaya nila ang mga Pinoy televiewers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on


Malaki nga naman ang impluwensya ng media sa ating mga buhay lalo na ng mga artistang nagbibigay aliw at saya sa atin. Pero, hindi din natin alam ang sakr!pisyo ng mga artistang ito sa likod ng kamera. Maaaring ang mga ngiti na bakas sa kanilang mga mukha sa harap ng kamera ay iba pala sa tunay nilang nararamdaman.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Lalo na’t numero uno nilang kalaban dito ay ang labis na kapaguran dahil sa mga sunod sunod na shootings, shows o kahit ano pa mang mga programang kanilang ginagawa.
Pero, hindi naman nila ito alintana dahil mas prayoridad nila ang makapagpasaya ng mga tao.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Isa sa mga laging nagbibigay saya sa atin ay ang noon time show ng ABS CBN na It’s Showtime. Talaga namang nakakatuwang mapanood ito at habang sila ay nasa Tawag ng Tanghalan segment, mayroong mas nagpasaya sa mga madlang people.

Habang nagkokomento si Hurado Rey Valera na nakapokus sa kanya ang camera. Tila may isang host na talaga namang nilalabanan ang kanyang antok.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Ang napakagandang si Anne Curtis pala ang pilit nilalabanan ang antok at nakuha pa siyang kuhanan ng video ng kanyang co host na si Jhong Hilario.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Natutulog ka ba habang nagsho-show? Hindi porket naka-kulambo kang damit, pwede kang matulog,” sambit naman ni Vice Ganda, isa sa mga host.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Samantala, dumepensa naman si Anne.

“Nag workout kasi ako kaninang umaga. Bwisit ka talaga, Jhong!” sagot ni Anne.

Pero, kahit anu pa man naiintindihan naman iyon ng madlang people. Kaya naman, di maiwasang mag isip ng iba na baka buntis daw si Anne base sa mga komento pero wala namang kompirmasyon ukol dito. Narito ang mga komento.

“Kakatuwa naman si Anne lab namin yan e hehehhee!”

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Sana nga buntis na sya, pati c kaye, nakadalawa anak na c mariel sla dalawa wala pa din. Mas una tlaga nila career nila 😀 😀 pero mas maganda kung makita na nila baby nila hehe. Lalo na c anne Subra cute at ganda ng anak sguro nito. Kc kahit malaki bunganga super ganda at sexy pa din.. sana magka baby kana ann. Para may little ann na. Hehe :-* 😉 😀

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Over fatigue marahil sa sobrang trabaho…idlip lang ng kaunti para maka recover kahit paano”

“Cute tlga ni anne. Sobrang idol ko yan kasi simple mganda at nakakatuwa”

“Baka buntis na ganyan ang nglilihi Gusto gustong matulog”