Pinay na Piloto, ibinahagi ang kanyang karanasan bago maging isang piloto

Ang bawat tagumpay ay may kalakip na pangarap at paghihirap. Isang pangarap lamang ang magiging daan mo upang ikaw ay makatawid sa tagumpay na maghahatid sa iyo sa iyong minimithing kalalagyan sa buhay.

Pero hindi sapat ang isang pangarap, kailangan mong dumaan sa proseso at mga paghihirap para mas tumibay sa iba’t ibang laban sa buhay.

Credit: filipinapilotchezka instagram

Kagaya na lamang ni Chezka Gonzales-Garrido, 30 taong gulang. Siya ay nagtapos sa Far Eastern University sa kursong Bachelor of Science in Nursing, at isa na ring ganap na ina.

Ngunit hindi lamang pagiging nars ang kanyang pangarap. Minimithi din niyang maging piloto na talagang pangarap niya sa buhay.

Credit: filipinapilotchezka instagram

Hindi niya sinukuan ang pangarap na ito at nag aral sa loob ng anim na taon, at lumipad sa Airbus 320.

Kaya naman, sa kanyang isang facebook post, makikita ang dalawang larawan. Noong 2013 na isa pa lamang siyang flight attendant at umupo sa upuan ng piloto at ang isa naman ay ngayong 2019 na isa na siyang ganap na piloto. Kahanga hanga hindi ba?

Credit: Facebook

“Picture on the left was taken 6 years ago when I asked the co-pilot if I could sit on his chair, borrow his cap and take a picture…. 6 years later , it’s the same chair, but the cap is now mine, no need to ask permission to sit and i can now take unlimited photos. Do you think it’s time someone borrow my cap?” saad ng post.

Credit: filipinapilotchezka instagram

“I could say one of the most important days of my life…letting me be a full-pledged First Officer. Thank you Lord for all the blessings.
I am excited for more and more blessings so that, I, too shall be a blessing to others,” dagdag pa niya sa kanyang IG post.

Bagamat may ibang mga pasahero na nagtatanong kung ligtas ba ngunit syempre wala sa kasarian yan kundi sa galing at gilas ng isang piloto.

Credit: filipinapilotchezka instagram

“The passengers would ask, ‘Is it safe? Because [the pilot] is a woman,” saad ni Cheska.

” For the aspiring pilots out there, strike whilst the iron is hot! Let your passion roar like the engines of an airplane. Turn your energy into productivity and the reward would be all. I’m telling you, it only gets better and the learning process is fun so do not falter, keep your head up and keep inspired!!,” sambit pa ni Cheska sa Caravan Pilots.

Credit: filipinapilotchezka instagram

Kamangha mangha talaga siya dahil siya din ay awardee ng ‘Istorya ng Pag asa’ (Story of Hope), na pinangunahan ng Office of the Vice President of the Philippines at Far Eastern University.

Source: Goodtimes