LJ Reyes, Paolo Contis at mga anak, bongga ang naging bakasyon sa Siargao

Patapos na nga naman ang bakasyon, at marami nga ang ginugol ang Summer vacation sa pagpasyal sa mga swimming pool at mga beaches na talaga namang napakaganda.

Ika nga nila, quality time kasama ang mga pamilya ang hashtag halos ng mga tao ngayon. At ngayong buwan ng Hunyo, panahon na ng pasukan at malapit na ang tag-ulan pero mayroon pa rin namang huling hirit sa tag-init.



Credit: Paolo Contis Instagram

Kagaya na lamang ng mga loving couple na ito na sina Paolo Contis at LJ Reyes kasama ang mga chickiting na sina Aki at Baby Summer. Pumunta sila sa Siargao na isa sa mga napakagandang destinasyon sa panahon ngayon.

“Fully charged with family love!❤️ it really pays off to get away from the city and spend time with your loved ones. Being away from the hustle and bustle of the city reminded me to focus on the precious people I got right here in this photo. It’s true that we all need to learn how to push that pause button. Spent the entire vacation with my focus and attention only to them!,” sambit ng caption ni LJ sa kanyang IG post.

Credit: LJ Reyes Instagram

Todo naman ang pasasalamat ni LJ dahil masayang masaya siya sa bakasyon na ito.

Credit: Paolo Contis Instagram 

“Thanks to the little to no reception at the resort we stayed at! Really glad to have been disconnected for a few days! Imagine what I would have missed!!! This trip, I jumped off a coconut tree to a river with Aki! I accompanied him in learning how to surf! These are firsts that I am so blessed to have witnessed and would never trade anything for! Pao and I were tested on our parenting skills as we brought along an infant with us!,” dagdag pa ni LJ.



Credit: LJ Reyes Instagram

Makikita pa sa mga pictures at captions kung gaano sila kasaya. Nagbiro pa si Paolo sa isa sa mga caption dahil natutulog si Baby Summer.

Credit: Paolo Contis Instagram

“Anak, alam ko namang hindi mo to matatandaan pag tanda mo.. pero sana man lang gumising ka paminsan minsan para maganda pictures natin! 😂😂😂 #SummerAyannaContis #SummerInSiargao😊,” saad ng caption ni Paolo.

Credit: Paolo Contis Instagram

Masayang masaya naman si LJ at Paolo
sa bakasyon nila. Matatandaang si Aki ay anak ni LJ kay Paulo Avelino at si Baby Summer ay anak nila ni LJ at Paolo Contis.



Credit: LJ Reyes Instagram

“And so I am recharged and refreshed! For the past months, I have been busy caring for Summer and Aki. But what people do not really know is that I have been working with @starfishtrix in relaunching @mapp.ph! ,” banggit ni LJ.