Dimples Romana, ginulat ang mga Netizens sa kanyang galing sa pagsayaw

Kanya kanya nga naman tayo ng talento at ng galing na ipinapamalas. Ang iba’y magaling sa pagawit, pagsayaw, pagarte o kaya nama’y pagpinta o kung anu-ano pang talento.

Ang mga talentong ito ang nagsisilbing regalo sa atin na dapat pagyamanin dahil ito ang ating natatanging galing na tayo lamang ang makalilinang. Sa pag-abot ng tagumpay, ang mga talentong ito ang ating maaaring maging gabay at daan para magtagumpay sa buhay.



Credit: Dimples Romana Instagram

Kagaya na lamang ng mga sikat na artista, aktor, singer o dancer, ginamit nila at naging puhunan ang kanilang talento para maging matagumpay at makakatulong pa ito sa kanilang pamilya.

Isa na sa mga markadong aktres na talaga namang napakagaling ay si Dimples Romana. Makikita naman sa kanyang mga naging pelikula at teleserye ang galing na ibinubuhos niya sa pag-arte.

Credit: Dimples Romana Instagram

Kung pag-arte lang din naman ang pag-uusapan, ay talaga nga namang hindi ka uurungan ni Ms. Dimples. Sa dinami rami ng kanyang mga pelikula at teleserye ay talagang mapapa wow ka na lang sa galing na taglay ni Ms. Dimples.



Credit: Dimples Romana Instagram

Pero, hindi lang pala sa aktingan may ibubuga si Ms. Dimples. Maging sa dance floor ay mapapabilib ka sa kanya. Makikita sa kanyang IG ang kanyang post na kung saan todo bigay talaga sa galing si Ms Dimples sa pag-sayaw.


Ayon pa kay Ms. Dimples, masaya siya na mayroong mga bagong bagay siyang sinusubukan at isa na nga dito ang kanyang ginagawa ngayon na pagsasayaw.

“When I grow up I want to be like @teachergeorcelle and @gforce_ritz Another sesh for dance today at @gdc_alabang Long time ago I have learned the value of being patient with yourself and your progress so happy that I get to do another thing that makes my soul happy slowly getting the groove of things (pun intended) #neverstoplearning” sambit ni Ms. Dimples Romana.

Sa ngayon, halos na sa 472,000 views na ang video na talaga namang pinanood ng mga netizens.

Credit: Dimples Romana Instagram

Maging ang mga netizens ay hangang hanga sa kaniya at magbigay ng nga nakatutuwang mga komento.

“Gawin mo kayang entrance yan sa kadenang ginto ma shookt siguro sayo si romina.”

Credit: Dimples Romana Instagram




“Turo mo kay Alonzo.. ganda siguro niyong mag mommy doing it- would love to see you both in the video”

Credit: Dimples Romana Instagram

“Oh my gaaaad go danigurl! Biggest fan here!”