Manilyn Reynes, ipinasilip ang kanyang bagong customized van na talagang sobrang laki at kumportable

Hindi na nga naman luho kundi masasabi na nating pangangailangan na rin ngayon sa modernong panahon ang pagkakaroon ng sasakyan. Bukod kasi sa mas mapapabilis nito ang pagpunta mo sa isang lugar, mas komportable at nakakabawas sa pagod ang pagsakay dito.

Credit: Tuned in style Instagram



Kaya naman, hindi na nakakapagtaka kung bakit marami na ngayon ang may pribadong sasakyan na kanilang ginagamit sa mga personal na lakad. Ang mga sasakyan na ito ang nagpapagaan sa ating mga buhay.

Credit: Tuned in style Instagram

Bagamat ito ang nagiging dahilan ng mabigat na trapiko sa kalsada, marami pa rin ang umaasa at nangangailangan ng sasakyan.

Lalo na sa mga artista, na talaga namang napaka hectic ng schedule, at maraming mga lakad kagaya na lamang ng mga shootings at mga mall shows kaya mahalaga ang magkaroon sila ng sasakyan.

Credit: Manilyn Reynes Instagram

Isa sa mga sikat na artista mula noon hanggang ngayon ay si Manilyn Reynes na hanggang ngayon ay nakikita pa rin sa GMA7 Pepito Manaloto. Ibinida ni Manilyn ang kanyang sasakyan na personally customized na Hyundai H350.

Credit: Tuned in style Instagram

Talaga namang mahalaga sa sasakyan ng isang artista ang malaking espasyo para komportable at mailagay ang mga dapat dalhin kagaya ng mga damit at kagamitan. Kaya nasa six comfortable captain seats at apat na extra seats.

Credit: Tuned in style Instagram

Isa pa, mayroong sound at entertainment system at ang napakagandang light system sa ceiling nito na talagang mapapa wow ka sa sasakyan na ito.



Kaya naman, maging mga netizens ay napa wow sa kanilang nakita. Narito ang kanilang mga komento ukol dito:

“Ang ganda naman. Kasing ganda mo rin, Miss Manilyn. Yan ang pinaghi-hirapan.”

Credit: Manilyn Reynes Instagram

“Blessed ka kasi. Maganda ka na, mabuti ka pang tao. Love ko yung car pero mas love kita.”

“Pepiito ng social congrats new van.inggatan pinag hirapan.idol best tlg.”

“Congrats po sayo idol at sa family niyo po. You deserve it because you are too kind. More blessings from almighty God.”

Credit: Manilyn Reynes Instagram

“Idol ko tlga yan since bta pa yan until now..my one & only idol…”

“Sa tagal ba naman ng Pepito manaloto talaga makakaipon yan 😅