Batang nagtitinda ng mangga sa Cebu, pinalambot ang puso ng mga Netizens

Sa ating pagkabata, mas gugustuhin nga naman natin na inuubos natin ang ating mga oras sa paglalaro. Gustong gusto nga naman nating maglaro sa ating mga kaibigan o kaya naman ay mag aral sa eskwelahan.

Pero, imbis na maglaro o mag-aral iba ang inaatupag ng batang ito sa Cebu City.

Nakuha ng isang netizen na si Iwa Yan ang batang ito na nagtitinda ng Mangga sa rehearsal ng Binibining Toledo Talents Night sa Barba Sports Complex, Toledo City.



Napaka sipag nga naman ng batang ito dahil sa kabila ng kanyang murang edad ay tumutulong na siya sa kanyang mga magulang.

Ayon pa kay Yan, hindi niya ito pinost upang magpasikat kundi upang magsilbi itong inspirasyon.

“I posted this photo, not for popularity but to be able to inspire other people especially the CHILDREN. We keep on complaining about everything why not appreciate and give thanks for all the blessings received each day. Be grateful,” sambit ni Yan.

Ayon naman sa interview niya sa CDN Digital,

“It is very inspiring for me because the child serves as an inspiration, [for] everyone [to recognize the] value of hard work. That he was able to sell products at a very young age to be able to help his family [is something to be proud of].”

Saludo nga naman talaga ang lahat sa batang ito. Iba ang kanyang kasipagan sa pagtitinda at tila hindi alintana ang pagod.

Kaya naman, puring puri siya sa mga netizens habang ang iba’y nag-aalala sa kanya.

“Yan dapat ang pinagtutuunan ng pansin nang mga nasa katungkulan ng ating bansa, ang maisaayos ang pamumuhay ng mamamayan lalo na ng mga kabataang tulad nito, hindi ung puro nlng kayo bangayan ng bangayan!!!!! Gawin nyo mga trabaho nyo ok!!!!!!!”



“Asan ka Boy?ampunin n lng kita…kawawa k nman..asan mga magulang mo…subrang naawa ako sayo..😭mga anak ko tinataguyod ko mgisa,binibigay ko lahat ng pangangailangan nila hndi lng nila maranasan ang hirap sa mundo…napakaliit mo pa para mghirap ng ganyan..”

“Amazing baby🤗😘 Alam mo kung paano mo tulungan ung magulang mo sa murang edad..
Heavenly Father will protect you..and loves you.”

“Lika na dito skin baby alagaan nlng kita 😭😭😭 Naranasan ko din yan nung bata ako nag titinda ako ng ice candy sa school pro hnd nman ako pinababayaan ng mama ko at ng mga ate ko gsto ko lang mag tinda pra my pan dagdag kme pra sa pang araw araw 😭😭😭

“Wala po tayong alam sa magulang ng bata.malay natin may sak!t pala magulang nya or nandyan lang sa tabi at di makakilos…..di naman po mabigat yng binubuhat nya.baka umihi lng yong nanay or tatay kaya iniwan muna saglit di ba.bakit kaso agad sa magulang…just saying po”