Chesca Garcia at Doug Kramer, ipinasilip ang kanilang pinapatayong bagong bahay na may elevator

Ang pagkakaroon ng sariling bahay ay isang pangarap na gusto nga namang matupad ng lahat. Iba nga naman ang may sariling lupa at bahay na talagang para sa iyo.

Simple man o magarbo, ang mahalaga ay magkaroon ng sariling bahay na mananatiling sandigan ng inyong buong pamilya.

Credit: Doug Kramer Instagram

Kagaya na lamang ng Team Kramer na sina Doug at Chesca Kramer na unti unti nang nakikita at naitatayo ang kanilang dream house. Ipinakita nila sa kanilang social media account ang kasalukuyang estado ng kanilang bahay.



Makikita ang hallway sa ikatlong palapag at ang master’s bedroom. Ibinida din dito ang kanilang infinity pool, gym, home theater, at isang built in elevator sa mismong bahay. Kahanga hanga nga naman ang bahay na ito.

Credit: Doug Kramer Instagram

“After almost 2 years of construction (Sept. 2017), we’re only a few weeks away from moving in! Another journey. Another chapter for our family! We’re grateful beyond words!

“This is our 3rd floor hallway leading from the master to the lower floors. Staircase glass will be installed soon! I’d like to think I did a pretty good job putting together a rustic industrial modern look. Proud of all the headaches that came with it! In the end, it’s very fulfilling!,” sambit ng post ni Doug Kramer.

Credit: Doug Kramer Instagram

At syempre, walang ibang dahilan ang nasa likod ng pagpapala na ito kundi ang Diyos. Kaya naman todo pasasalamat sa Diyos si Doug sa kanyang post.

“Lord, thank you for giving me the best.
That I need not long for anything more or feel like I lack in any way.
Thank you, because the one you put infront me is more than I can ask for.
I am grateful that I have that someone who concerns himself with what I feel.
Never what I can do for him but always what he can do for me.
That unselfish love makes it easy to give in return,” saad ng post ni Doug.

Maging mga netizens ay pinag usapan din ang napakagandang bahay na ito.

“Sipag at tiyaga,spell success,siguradong may mararating,hwag po tayong mapang husga,lalo na Hindi natin alam Kong anong ugat ng problema,”

Credit: Doug Kramer Instagram

“Dto s abroad normal lng n may elevator lalot kdlasan apat n palapag ang bahy”



“Ano ba yan..bhay my elevator .hindi na bahay yan.paupahan na.”

Credit: Doug Kramer Instagram

“Woow ganda na konteng kembot nalang tapos na godbless po sa family nyo?

“Waahh ang pinoy napaka oa tlaga punta kau dto sa ibang bansa bahay amo ko may elevator kc po fourth floor po ung room nmin tamad po sila dumaan sa hagdanan po kaya may elevator hahahaha”