Grab Driver, nabilib dahil kamukha nya ang kanyang naging pasahero

Sa modernong panahon ngayon, mahalaga nga naman talaga ang epektibo at mabilis na transportasyon. Sa pagpunta sa iba’t ibang mga lugar, napakahalaga na mayroon kang mabilis na transportasyon na tutulong sayo makarating sa iyong destinasyon.

Sa pagpili ng paraan ng transportasyon, mayroong iba’t ibang mga bagay na dapat isaalang alang. Kagaya na lamang ng pagkakaroon ng mabilis na transportasyon. Mahalaga ito dahil kailangan nating makarating sa ating destinasyon lalo na sa pagpasok o sa mga emergency.

Credit: Askmf Twitter

Ikalawa, mahalaga din naman ang pagiging komprotable. Kaya ganyang naging uso na ngayon ang mga e-services kagaya na lamang ng Grab.

Ang Grab ay isang application na kung saan ikaw ay magbobook gamit ang iyong mobile phone. Ilalagay mo ang iyong lokasyon at destinasyon at pupunta sa lugar mo ang pinakamalapit na drayber sa iyo. Kaya naman, komportable naman talaga dito dahil hindi mo na kailangang magpalipat lipat pa o sumakay ng iba’t ibang sasakyan dahil direct route lang naman ito.

Kaya ngayon, marami na ang nasisiyahan dito at halos lahat ng mga commuters na ayaw ng hassle na byahe ay gumagamit na lamang ng Grab application.

Credit: Askmf Twitter

Sa tuwing tayo ay sumasakay ng mga public utility vehicles, wala tayong pakialam sa mga nagyayari sa ating paligid. Paniguradong nakatutok lang tayo sa ating mga gadgets o kaya naman ay tumitingin sa view sa labas sa ating mga dinadaanang lugar.

Credit: Askmf Twitter

Madalang lang na madalang ang magkaroon tayo ng interaksyon sa drayber. Maraming beses ay taken for granted nga sila ika nga. Pero mayroon pa rin namang iba na nakikipag usap at nakikipag kwentuhan sa kanila.

Kagaya na lamang ng isang pasahero sa Indonesia. Gusto lamang ng pasahero na ito na kuhanan ng larawan ang kanyang byahe. Kinuhanan din niya ng picture ang kanyang sarili kasama ang drayber gamit ang front camera. Hanggang sa napagtanto ng pasahero na magkamukha pala sila ng drayber na parang kakambal na niya.

Nakakatuwa hindi ba? Para nga namang pinagbiyak na bunga ang dalawang ito.
Kaya, maging mga netizens ay nagkokomento na baka “long lost twin” nila ang isa’t isa.

Ikaw ba, ano ang magiging reaksiyon mo kung ang magiging Grab driver mo ay kamukhang kamukha mo?