Vicky Belo, binigyan ng bonggang birthday gift si Hayden Kho

Sa buhay mag-asawa, isang napakahalagang bagay ay ang pagkakaroon ng malalim na pagmamahal sa isa’t isa. Ang pagmamahal na talaga namang magpapalakas at magpapabago ng iyong pananaw sa buhay.

Iba nga naman ang nagagawa ng tunay na pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal ay nagbibigay ng sigla at ng di matawarang ngiti na bakas sa mga mukha ng dalawang nagmamahalan.

Credit: Dochayden instagram

Walang materyal na bagay o kahit anu pang bagay sa mundo ang tutumbas dito. Tanging ang taong minamahal mo lamang ang sasapat dito. Iyan ang tunay at wagas na pagmamahal na dapat maranasan ng lahat. At iyan ang nararanasan ng napakasikat na celebrity couple na sina Hayden Kho at Dra. Vicky Bello.

At sa kaarawan ni Hayden sa taong ito, talaga namang napaka bongga ng selebrasyon. Malaking bagay din kay Hayden ang selebrasyon na ito.

Credit: Dochayden instagram

Bilang sorpresa ni Dra. Bello sa kanyang asawa, pinangunahan ni Dra. Bello ang paggawa ng isang photo exhibit museum na ang laman ay ang mga iba’t ibang mga photograps na kuha ni Hayden.

Syempre, bakas nga naman talaga ang tuwa dahil isa itong malaking bagay para sa kanya.

“Again, a big thanks to my wifey, @victoria_belo for this thoughtful birthday surprise. To award-winning photographer and architecture board topnotcher, @marchenrichgo; and National Geographic visual storyteller @hannahreyesmorales— big thanks for the mentoring,” sambit ni Hayden sa kanyang IG post.

Credit: Dochayden instagram

“Tita Virgie Ramos of @swatch_ph, thank you for lending us your very exclusive space. @bpardo, your event styling is flawless as usual. And finally, to my bestest friend and source of glorious hope, Jesus, I love you, ” dagdag pa ni Hayden sa post.

Hindi lang iyan, nabanggit din ni Hayden sa isa pang IG post kung gaano siya nagpapasalamat sa kanyang asawa. Kaya naman, makikita sa kanilang dalawa ang tunay na pag-ibig.

Credit: Dochayden instagram

“You know your wife loves you when she makes a secret dream come true and invites all your best friends to celebrate it with you. I love photography and I’ve been secretly collecting photos over the years, ” banggit pa ni Hayden.

“For my birthday, my dear @victoria_belocolluded with my shutterbuddies @marchenrichgoand @hannahreyesmorales to stage my first ever photo exhibit, which @stweets said will tour@smsupermalls!

Credit: Dochayden instagram

Thank you too all my friends who came over to celebrate my birthday with me. You guys are the people I consider my truest friends. I love you guys so much such that when I get to heaven, it’s you guys I’d like to see there,” dagdag pa ni Hayden sa naturang post.

Iyan nga naman ang tunay na pag-ibig, hindi materyal kundi ang mapasaya at makita sa isa’t isa ang ngiti at pagmamahal.