Vice Ganda, nagbigay ng P25k para sa outing ng isang grupo ng madlang people

Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging matulungin. Laging nakabukas ang ating mga pintuan sa mga nangangailangan lalo na kung ikaw ay nakaka angat sa buhay.

Kung sino man ang nangangailangan at mayroon kang kayang iabot na tulong ay paniguradong tutulong ang isang Pinoy sa kanyang kababayan. Iyan nga naman ang kulturang Pinoy, ang kulturang laging bukas ang palad sa lahat.

Credit: ABS-CBN Entertainment

Kung kaya’t ang mga showbiz personalities na talaga namang umaangat sa buhay ay tumutulong din sa kanilang mga fans at kapwa Pinoy. Hindi alintana kung magkano ito basta matulungan at mapasaya ang kanilang mga fans.

Isa itong paraan ng mga showbiz icons na pasasalamat nila sa kanilang mga fans at ang pamamahagi na rin ng kanilang mga pagpapalang nararanasan sa buhay.

Kilala si Unkabogable Star na si Vice Ganda sa pagpapasaya ng mga napakaraming mga Pinoy. Araw araw lumalabas Vice sa ABS CBN noon time show na It’s Showtime at tuwing Linggo naman ay ang kanyang sariling show na Gandang Gabi Vice.

Credit: ABS-CBN Entertainment

Dito ay marami siyang napapasaya sa kanyang paghohost, mga jokes at spills na talaga namang nagpapatawa sa lahat. Pero hindi lang hanggang biro ang nagpapasaya sa kanila kundi sa kanyang pagtulong ay may napapasaya siyang madlang people.

Isa sa mga madlang people ay pinasaya ni Vice dahil sinagot niya ang outing nila kasama ang kanyang barkada. Wala na silang iisipin dahil lahat ng gastusin maging ang kanilang sasakyan ay sinagot na ni Vice .

Nag-abot si Vice ng 25,000 pesos sa kanila. Hindi ba’t napaka galante nga naman talaga ni Vice.

Kaya naman maging mga netizens ay masayang masaya at pinuri si Vice. Narito ang kanilang mga komento:

“mabait naman talaga yan si vice.ganda at napagpasaya pa nya ang mga semior citezen na katulad ko ang saya saya ko sa kanya marami pa siyang binibigyan at natulungan kaya ang blessings sa kanya sobra sobra din”

“Pinagsikapan niya iyan,karapatan niya tumulong kung sino gusto niya tulungan…baka may bitter past sa kamag anak kaya nakalimutan bigla..may ganon eh”

Credit: ABS-CBN Entertainment

“Vice smula pa nuon idol nakita tlaga maawain ka sa mga tao kya hnd ka pnabbayaan ni lord gsto nga kita mkita sa personal nuon pa ksama ko yun apo kong special na apo ko”

“Kasi nainsulto sya sa ka network nya n napuna sya dhil “nagshopping sya ng sobra2”. Kya sabi nya ung iba koda ng koda, ala nmng ngagawang mbuti sa kapwa 😊. So iniinis nya, by Sharing his blessings.”

“Super bait yan ang taong di lang puro kuda!may nagagawa may scholar pa sya!godbless meme vice ganda..”