Supportive na Tatay, sinabayan ang anak sa pagsayaw para mawala ang kaba nito

Sa bawat “first time” na ating gagawan, hindi mo nga naman maiwasan na kabahan o matak0t. Lalo na kung ito ay may kinalaman sa pagtatanghal sa harap ng maraming tao.

Noong bata pa tayo, talagang ayaw natin na magsalita, sumayaw o kumanta sa harap ng maraming tao dahil na rin sa hiya at paninibagong maraming tao ang nakakakita sa iyo.

Credit: Viral Press Youtube

Kaya naman, ang tatay na ito na si Rjay Tolentino, na mayroong apat na anak mula sa Pasig City ay bida sa ating kwento bilang napaka supportive na ama sa kanyang anak.

Sa isa kasing contest ng kanyang anak na si Lyca na Festival of Talents sa Kinder, sinamahan niya ang kanyang anak at nakita na tila nangangailangan ng tulong ang bata.

Credit: Viral Press Youtube

Nangunguna sa kanya ang hiya at tak0t kung kaya’t hindi siya makasayaw ng maayos. Kaya naman, pumunta na siya sa gitna kung saan nakikita siya ng kanyang anak.

Credit: Viral Press Youtube

Dito na siya sumabay sa sayaw at tinuturuan ang kanyang anak sa mga step na gagawin sa kanyang Polynesian dance. Dahil dito, naging masaya si Lyca at nagsimula nang ganahang sumayaw.

Dahil pokus siya sa kanyang ama na sumasayaw, hindi na niya alintana ang mga tao maging ang tak0t at kaba at nagtuloy tuloy na siya sa kanyang pagsayaw.

“I knew my girl had stage nerves, so I just tried to do everything I could to make her feel better”, sambit ng ama.

Talaga namang maging audience ay pumalakpak sa performance na ito. Hindi lamang para kay Lyca kundi sa kanyang supportive na ama.

Credit: Viral Press Youtube

Iyan nga naman ang napaka suportado at magiting na ama ni Lyca. Kahit pa siya ay isang ama na, hindi alintana sa kanya ang hiya dahil mas nananaig ang kanyang pagiging supportive tatay.

Paniguradong hindi lamang sa ganito suportado ni tatay ang anak kundi maging sa iba’t ibang pangangailangan.

Credit: Viral Press Youtube

Mapalad si Lyca dahil napatunayan ng kanyang ama na ang maliit na bagay gaya nito ay dapat paghusayan at suportahan ang mga anak sa lahat ng larangan.

Sa pagsisimula ng isang bata, isang tao lamang ang kanyang magiging number 1 fan na susuporta sa kanila. At iyon ay walang iba, kundi ang ating mga magulang.