Mga pagong na kasama ni Sylvester Stallone sa kanyang pelikulang “Rocky”, 44-taong gulang na

Bahagi na ng buhay ng mga tao ang mga lumalabas na pelikula sa sinehan. Lalo na ng mga Pinoy na hilig talaga ang panonood ng mga pelikula.

Iba iba man ng klase at genre ng pelikula, ang iba’y banyaga o lokal na pelikula, malalim na talaga ang pagkahumaling ng mga Pinoy sa pelikula.

Maliban sa kwento, ang mga bumibidang aktor at aktres din ang mayroong malaking impluwensya sa mga manonood. Sa unang beses na mapapanood mo ang pelikula ng isang aktor, paniguradong sinusundan na ito ng mga manonood na kalaunan ay magiging fans pa nito.

Credit: Goodtimes


Isa sa mga sikat na pelikula na sa buong mundo ay kilalang kilala ay ang action movie na Rocky Balboa. Kilala si Rocky bilang magaling na boksingero.

Ang kwento ni Rocky ay umiikot sa kanyang buhay bilang boksingero at kung anu ano ang iba’t ibang mga pinagdaaanan at mga pagsubok na kinaharap sa pagiging boksingero.

Pero sa kwentong ito, isa sa mga nabigyan din ng pagkakataon na mailabas sa pelikula ay ang pares ng pagong na rinegalo ni Rocky sa kanyang kasintahan.

Credit: Goodtimes


Ilang taon na rin ang lumipas nang ipalabas ang pelikulang ito. Iisipin mo bang hanggang ngayon ay buhay na buhay pa ang mga pagong na ito. Kilala ang mga pagong na ito na sina Cuff at Link.

 

View this post on Instagram

 

In CREED 2 with my original buddies from the first Rocky … CUFF and LINK , now about 44 years old!

A post shared by Sly Stallone (@officialslystallone) on


Sa ngayon, nasa 44 taong gulang na sila at masiglang buhay na buhay pa sa pangangalaga ni Sylvester Stallone, ang bida at gumanap na Rocky.

Hanggang 50 taong gulang ang buhay ng dalawang babaeng pagong na ito. Limang taon pa lamang ang mga pagong na ito nang magsimula sa pelikula at ngayon ay nasa 44 taong gulang na.


Matapos kasi ang pelikula nila na Rocky Balboa, ang unang may-ari nito ay si Joseph Marcks. Hanggang sa nabili ni Stallone at siya na ang nag alaga nito.

Pero hindi lamang ang Rocky ang pelikula nila Cuff at Link. Lumabas din sila sa pelikulang Rocky II, Rocky Balboa, Creed at sa Creed II.

Ang galing nga naman ng mga pagong na ito, hindi ba? Instant artista nga naman at hanggang ngayon ay buhay na buhay pa.