“Identical Twins” kung tawagin ang dalawang taong magkapatid na talagang magkamukha sa pisikal na itsura. Mula sa tabas ng mukha, bibig, ngipin, ilong at mata ay talaga namang makikitang magkamukhang magkamukha silang dalawa.
Parang pinagbiyak na bunga ika nga nila kapag pinagtabi. Wala kang makikitang kahit anong bahid ng kaibahan dahil nga sila ay identical twins. Pero kahit pa kambal, mayroon pa ring magiging pagkakaiba ang dalawa.

Sa personalidad at pag-uugali ay malaki ang posibilidad na hindi na sila magiging magkamukha. Kung ang isa ay tahimik, maaaring maingay ang isa. Kung ang isa ay masayahin, maaaring malungkutin ang isa. Sporty ang isa samantalang gusto lagi ng libro ng isa. Makikita na mayroon silang sariling personalidad, kagustuhan at mga hilig sa buhay.
Kagaya na lamang ng magkapatid na si Alex at Andy. Magkamukhang magkamukha talaga ang magka kambal na ito ngunit magkaiba sila sa personalidad at pag-uugali.
Si Alex ay tahimik lamang at hindi talaga pala kibo habang si Andy ay napaka out going at madaldal. Nahihirapan naman makipag usap lalo na sa mga di kilala si Alex pero si Andy ay talaga namang palakaibigan at halos barkada ang buong eskwela. Magkaiba hindi ba?

Sa isang college entrance exam test na parehong sila ay nag exam, isa lamang ang pumasa sa kanilang dalawa. At iyon ay si Alex. Hindi ito inasahan ng lahat dahil nga tahimik lamang siya.
Nang malaman na ito ni Andy ay talagang lungkot na lungkot siya at nagkulong sa kwarto nang halos apat na oras.
Sinabi naman ni Alex ang resulta sa kanyang ama, ngunit mas pinili pa ng ama na dalhin sa unibersidad ang kanyang anak na si Andy dahil mas magaling daw ito pagdating sa pag-aaral.
“This is not a ticket to heaven. Don’t expect too much from it,” ani Alex kay Andy
“What do you mean?” sagot ni Andy
“This is nothing more than a capitalist’s way to make us spend money,” sagot naman ni Alex.
Sumunod na lamang si Alex at hinayaan na si Andy na pumasok sa unibersidad. Kaya naman, naghanap na lang trabaho si Alex.

Namasukan siya sa construction at ang kanyang trabaho ay sa cement area. At dahil sa kanyang sipag at pagsisikap, na promote na siya mula sa laborer patungong production hanggang sa makarating siya ng research department.
Malaking tulong si Alex sa kumpanya habang si Andy ay nagpapakasarap sa bisyo. Mayroon siyang naging girlfriend na iniwan din siya bandang huli.

Nang wala na siyang matakbuhan at nangangailangan ng trabaho, nag apply siya sa isang malapit na construction firm. Tanggap siya ngunit dinala siya sa production team na ayaw naman niya dahil siya ay graduate sa isang unibersidad.
Hanggang sa nagreklamo siya at nagtatanong kung bakit nilalagay siya sa team na iyon. Pinatawag na siya ng director ng kumpanya. Pagpasok niya, bumulaga sa kanya na ang direktor ay ang kanyang kakambal na si Alex.

Kung kaya’t ang buhay ay paikot ikot lamang. Kaya naman, mahalaga na magsumikap at magtiwala sa Panginoon.