Sa ating pangaraw araw na buhay, hindi natin maikakaila na talagang mahirap na ang buhay. Mula sa pangaraw araw na gastusin sa pagkain, bahay, kuryente at tubig, talaga namang di na maiiwasan ang paglobo ng mga gastusin sa bahay.
Kaya naman, kayod marino ang ating mga magulang para makapagtrabaho at maibigay ang ating mga pangangailangan. Sila ang tumutustos sa ating mga pangangailangan.Gagawin nga naman talaga nila ang lahat para lamang maibigay ang lahat ng ating kailangan.

Iba talaga ang sakr!pisyo ng ating mga magulang o maging ng ibang mga nakatatanda na nagsasakr!pisyo para sa kanilang pamilya. Anumang bigat ng trabaho ay hindi talaga nila ito alintana dahil sa pagmamahal na mayroon sila sa kanilang pamilya.
Pero hindi na lamang mga magulang ang nagsasakr!pisyo, kaya na ring tumulong ng mga bata ngayon. Sa kabila ng murang edad, natututo na ang iba na kumayod at tumulong sa pamilya. Patunay ang kwento ni Llu Minghul, 8 taong gulang na gumagawa na halos 10,000 wontons na pagkain para tulungan ang kaniyang lolo at lola.

Lumaki si Llu kasama ng kanyang kapatid sa kanilang lolo at lola. Kaya naman bata pa lamang ay natuto na silang tumulong sa pagtitinda ng kanilang lolo.
Sa edad na 6 taong gulang, nagsimula na siya sa pagtulong. Kung dati ay nanonood lamang sila sa paggawa ng kanilang lolo ng wontons, sila mismo ang nagpresinta na tumulong.

Hanggang sa tinuruan na sila ni Lolo ng paraan kung paano nga ba magbalot ng wonton. Ngayon, umaabot na sa halos 10,000 pirasong wonton ang kanilang nagagawa.
“I saw a genuine curiosity in I knew he was going to pick it up fast and surely, Look at him now, he’s a better chef than I am, ” kwento ni lolo.
Sa isang araw, nakakabenta sila ng halos 400 bowls ng wonton. Mabenta nga naman talaga ito kaya naman kailangang kailangan talaga nila ng tulong.

Hindi ba’t malaking tulong sa kanila ang mga nagagawa nila sa araw-araw. Maliban sa pagiging masipag, ipinagmamalaki din sila ng kanilang lolo.
“They were both sensible kids, and had good academic performance too. We never really had trouble raising them or telling them what to do. They just followed us one day and picked up an interest in learning the trade on their own,” sambit ng kanyang lolo.

Yaman nga namang maituturing si Llu sa kanyang lolo at lola dahil sa kasipagan at sa pagtulong sa kanila. Kapos man sa pera, sa pagtutulungan magagawa naman ang dapat gawin.