Ang mga hayop at ang mga tao ay ginawa para magkaroon ng isang balanseng kapaligiran. Mayroong pangangailangan ang mga hayop na naibibigay ng mga tao. Ganun din ang mga tao na mayroong pangangailangan na naibibigay ng tao.
Kayang ibigay ng tao ang pangangailangang aruga at pangangalaga para sa mga hayop. Kung kaya’t ang iba’y talagang tinuturing na nilang mga tao ang mga hayop sa pag-aalaga at pagmamahal na ibinibigay nila.
Samantala, iba’t ibang klase naman ng pangangailangan ang ibinibigay ng hayop. Ang iba’y nagagamit upang bawasan ang mga insekto, habang ang iba’y nagsisilbing pagkain. O kaya nama’y nagiging tagabantay at ang iba’y nagbibigay din ng pagmamahal sa kanilang mga amo. Kung kaya’t mahalaga ang balanseng relasyon sa isa’t isa.

Ngunit, kakaiba ang nangyari sa may-ari ng isang motorsiklo na ito. Matapos kasi niyang iwan ang kanyang motorsiklo ng isang linggo, nakita na lang niya na mayroong pugad ng isang ibon na naitayo doon.
” I have not ridden my motorcycle for just a week but this was what happened!” kwento ng may ari.
Halos isang linggo kasi niyang hindi ginamit ang motorsiklo, kaya naman nakakabigla ang pugad na ito. Mas nakakabigla nang makita niyang may itlog na nandoon.
Kaya naman, iba’t ibang komento ang lumabas sa internet mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Your motorcycle is now their home. You don’t have a choice but to take public transport”

“Don’t ride your motorcycle for at least half a month. Let the chicks grow their wings first. Well, they will fly away anyways.”
Samantala, hindi naman muna ginamit ang motorsiklo hanggat hindi pa nababasag ang mga itlog na ito dahil gusto niya na mapangalagaan ang mga itlog para sa ibon.
“I will wait for them to leave so they will not feel threatened,” sambit ng lalaki.
Dagdag pa niya, gusto niya talaga na mapisa ito at makita ng nanay na ibon ang kanyang mga anak at magkaroon ng malayang buhay sa paglipad.
Samantala, ang ibang netizens ay nagkomento na mayroong mas malalim na dahilan kung bakit doon siya nangitlog. Dahil ito sa kawalan at kakulangan na ng puno sa ating kalikasan. Kung kaya’t nararapat lamang na magtanim upang magkaroon ng balanseng pamumuhay kasama ang mga ibon at iba pang mga nilalang sa mundo.