Ibon na may magandang balahibo, agaw pansin sa social media

Sa panahon ngayon, mayroon na nga namang iba’t ibang klase ng kagandahan. Makikita ang kagandahan sa loob at labas ng ating pagkatao.

Lalo na sa lipunang ating ginagalawan, mayroong kani kaniyang pamantayan ang mga tao sa kagandahan. Ang iba’y gusto ang kayumanggi, maputi o maitim. Habang ang iba’y gusto ay singkit o bilog ang mata. Matangos man o hindi ang ilong, may kani kaniyang pamantayan talaga ang bawat isa sa atin.

Credit: GoodTimes

Ang isa pang klase ng kagandahan ay ang kagandahang loob na makikita sa pakikisama at pagkakaroon ng magandang relasyon sa bawat kapwa tao. Iyan nga naman ang isang dimensyon ng kagandahan ng isang tao na mas dapat nating pagyamanin.

Pero, kung usapang kagandahan. Baka maiinggit ka sa nilalang na ito dahil likas na ang kagandahan sa kanya. Hindi isang tao kundi isang ibon na kung tawagin ay
Sagittarius Serpentarius o mas kilala bilang secretary bird ang likas sa kagandahan.

Credit: GoodTimes

Ang ibon na ito ay sumusukat na 4.5 feet sa height, 7.3 pounds sa weight, at may wingspan na halos 6.5 feet. Mayroon itong hooked beak at maliit na ulo na mayroong light-bluish grey plumage. Ang balahibo naman nito ay kulay itim at may itim na balahibo sa hita nito at likod ng ulo.

Credit: GoodTimes

Maipagmamalaki din nito ang mahahaba at malalakas na mga binti. Magagamit niya ito upang mabuhay lalo na sa paglipad at proteksiyon din.

Isa pa, ang kanyang mga lashes sa mata ay napakaganda. Kung ang mga tao ay todo todo ang effort sa pagpapaganda ng kanilang mga lashes. Talo ka dito dahil natural lang sa ibon na ito ang kagandahan nito.

Credit: GoodTimes

Kaya naman, napukaw talaga ang atensyon ni Brian Connolly isang batikang photographer sa loob ng sampung taon.

“From what I’ve seen, the secretary bird is truly unique. They hunt snakes on the ground by stomping them with their dinosaur-looking legs and talons,” sambit ni Connoly sa Bored Panda.

Credit: GoodTimes

Isang nakaka hangang talento nito ay kumukuha ito ng pagkain gamit ang kanyang mga paa. Kabilang na dito sa kanyang kinakain ang mga ahas sa African grasslands. Gumugugol din siya ng halos 18 miles kada araw sa paghahanap ng pagkain gaya ng ahas, insekto, butuki, amphibians, at itlog ng kapwa ibon.