Sa tuwing darating ang Summer season, kanya kanya nga naman tayo ng kagustuhan kung saan tayo tutungo. Pero, dahil na rin sa init ng panahon. Talaga namang gustong gusto nating makarating sa mga swimming pool o beach resorts.
Lumolobo ang mga taong bumibisita sa mga beach resorts dahil sa panahon at sa kagustuhang maglibang at mag relax sa sariwang simoy ng hangin, sa napakagandang view, at syempre sa buhangin at tubig na magpapalamig sa atin.
Hindi nga naman magsasawa ang iyong mga mata sa napakagandang view ng mga beach sa loob man o labas ng bansa.
Dito pa lamang sa Pilipinas, maipagmamalaki na natin ang isla ng Boracay na kamakailan lang ay sumailalim sa pagsasaayos upang bumuti ang kalikasan.
Kasama din sa mga magagandang resort ay ang Palawan at ang Siargao na talagang nagiging lugar pa para sa Surfing dahil sa matataas na alon nito.
Pero kakaiba ang beach na ito sa Indonesia. Kung ang iba’y kulay puting sand ang gustong pinupuntahan at dinadayo. Ang beach na ito ay may kakaibang kulay.
View this post on Instagram
The red… #batukarang #note8photography #pinkbeachkomodo #beautyindonesia #liveonboardkomodo
Maniniwala ka ba na kulay pink ang bunhangin na meron ito. Tinawag ito na “Red Beach” dahil sa mala pula o pink na kulay ng buhangin. Nakukuha ang kulay na ito sa micro organisms na tinatawag na Foraminifera. Ang micro organisms na ito ang naglalabas ng kulay pink na kulay sa mga coral reefs at naapektuhan din ang kulay ng buhangin.
At talagang dinadayo ito ng mga turista dahil sa angkin nitong ganda. Maging ang
UNESCO World Heritage Site ay kinilala ito dahil sa ganda at yaman nito sa iba’t ibang mga resources.
Napakalaki din ng antas ng “biodiversity” sa lugar na ito kung kaya’t napakayaman nito sa mga likas na yaman na talagang nagpapaganda sa lugar.
Magandang bumisita dito sa buwan ng April hanggang Hunyo o Setyembre hanggang Nobyembre. Sa mga buwan na ito, makikita ang magandang kulay na ito ng buhangin na talaga namang nakakamangha.
Mayroon ding iba’t ibang mga activities na maaaring gawin, kagaya na lamang ng mga diving at snorkeling activities na tiyaj na mag eenjoy ka at ang iyong pamilya at kaibigan.
Perfect ang summer vacation mo dito dahil sa mga matataas na alon, malinaw na tubig at kulay pink na buhangin. Ano pa nga ba ang hinihintay mo? Mag ipon na at kulayan na ang drawing na bakasyon kasama ang pamilya’t barkada.
Source: Goodtimes