“Honesty is the best policy,” iyan nga naman ang pinaniniwalaan ng lahat. Walang tutumbas pa sa pagiging tapat at pagkakaroon ng malinis at dalisay na puso dahil ito nga naman ang magiging daan para sa pakikisama at pagkakaroon ng magandang relasyon sa isa’t-isa.
Marami nga namang nagagawa ang pagiging tapat. Bukod sa nakagawa ka na ng mabuti, mas maraming pagpapala ang babalik sa iyo dahil sa kadalisayan ng iyong puso. Kahit mahirap man ang maging tapat dahil sa dami ng mga iba’t ibang mga distractions sa buhay, nagagawa pa rin namang maging tapat.

Kagaya na lamang ng naging karanasan ni Roberto Calleja na halos kakadating lamang sa Malaysia. Nawala ang kanyang wallet at hindi na niya alam kung saan nahilog ito. Kung kaya’t inasikaso na lamang niya at nag file ng report sa kinauukulan. Dahil dito, naayos naman lahat ng nawala kasama na dito ang ATM, Registration card at drivers license na nagpahanga sa kanya.
“All the necessary paperwork was done on the same day and I had my documents replaced right after the police report was lodged, which included ATM cards, my daughter’s registration card and driving license,” sambit ni Roberto.

Kaya naman, manghang mangha si Roberto sa mabilis na aksyon ng pulisya. Ngunit, mas namangha siya kinabukasan nang may tumawag sa kanya at nagsabing napulot nito ang kanyang wallet at ibabalik niya.
Dito na napagalaman na naiwan pala niya ang wallet sa bubong ng kotse at sa pagkaripas nito ay nahulog kunga kaya’t napulot niya ang wallet.

Naisauli naman niya ang wallet at walang kahit ano ang nabawas o nawala. At lubos naman talagang matapat at nay ginintuang puso ang nagbalik nito.
Isang tagalinis lamang ang nakapulot nito at kahit anong bahid ay hindi niya pinaginteresan ang laman nito. Hindi ba’t napakabait at dalisay ng kanyang puso?
Ang mas nakakabilib pa dito ay hindi siya kumuha ng kahit anong kapalit. Maging ang gantimpala na ibinigay sa kanya ay ayaw niyang tanggapin. Kung kaya’t niyaya na lamang siyang kumain sa labas.
Nakakatuwa na mayroon pa ring mga mababait at may ginintuang puso. Wala sa katayuan sa buhay o sa kahit anumang social status ang magiging batayan sa paguugali ng isang tao.
Kundi, ang isang tunay na dalisay at tapat na tao ay yung may paninindigan sa tama at laging nakapanig sa kung ano ang dapat gawin.