Bridal Car na gamit ay Kalabaw, kinagiliwan ng mga Netizens

Gusto nga naman lahat ng tao sa mundo na maging memorable ang kanilang kasal. Gustong gusto mo nga naman na laging maalala mo ang iyong kasal at maging ng mga mahahalagang tao sa buhay mo.

Kung kaya’t kanya kanya ng diskarte at istilo ang bawat isa kung paano nga ba pagagandahin ang kanilang mga kasal. Ang iba’y talaga namang engrande at hindi mo. makakalimutan sa kagandahan ng kanilang seremonyas at kasal.

Credit: Tee Radio Facebook

Habang ang iba’y simple lang at ang mga kaibigan at mahal sa buhay na nagpapasaya ang magiging dahilan ng pagiging memorable ng isang kasal.

Mula sa entourage, suot, disenyo, pagkain at programa, ay talagang di mo makakalimutan ang lahat ng ito.

Pero iba ang naisip ng Pinoy couple na ito. Hindi magarbong sasakyan o kalesa kundi isang kalabaw ang ginamit ng bride para makarating sa kanilang kasal.

Credit: Tee Radio Facebook

Talaga namang napa wow nalang ang mga manonood at umabot din sa halos 4 million views ang video na ito. Pinoy na pinoy nga naman ang kasal na ito.

Kilala ang kalabaw bilang pambansang hayop dahil sa kasipagan nito at katuwang ng mga magsasaka sa kanilang trabaho. Dahil sa mga kalabaw, nagiging madali ang trabaho ng mga magsasaka. Isa din nga namang mga bayani ang mga hayop na ito.

Credit: Tee Radio Facebook

Kung kaya’t nakakatuwa na ang mga ito ay invited na rin sa mga kasal upang maghatid ng bride. Ano nga kaya ang magiging reaksiyon mo kung ito ang iyong makikita?

Masayang masaya naman ang bride dahil dito. Bakas sa kanyang mukha ang saya na nakasakay sa kalabaw. Hindi niya alintana ang kahit ano kundi kasiyahan at pag-ibig ang nakikita sa kanya.

Isang bagay din na napakahalaga dito ay nakatipid nga naman ang mag-asawa dahil dito. Imbis kasi na sasakyan na mangangailangan pa ng gas, ay kalabaw na lang ang ginamit.

Credit: Tee Radio Facebook

Bagamat nakasuot sa kanya ang puting wedding gown, hindi naman ito naging sagabal o abala sa kanya maging sa kalabaw.

Nagtitipid din kasi ang mag-asawa at nagiging praktikal lang sila. Imbis kasi na gamitin ang pera nang panandalian mas maganda kung magamit ito sa mga mahahalagang bagay.

Mas mainam nga naman ang pagiging simple. Hindi mo nga naman kailangang maging magarbo o ng kahit ano. Ang mahalaga, silang mag asawa ay nagmamahalan at nagkakaisa para sa kanilang anak at pamilya.