Beluga Whale, nagsauli ng Phone na nahulog ng isang babae sa dagat

Kapag ang isang bagay ay nawala na, mahirap na nga naman talagang maibalik ito. Mahirap umasang babalik ito lalo na sa panahon ngayon.

Sabi nga nila, mabilis kang maagawan o mawalan sa mundong ito. Ang iba’y hindi na pinahahalagahan ang katapatan dahil sa iba’t ibang personal na rason. Gayunpaman, kailangan pa rin naman nating makita ang pag-asa na mayroon pa ring nananalaytay na kabutihan sa mundo.

Sa gitna ng mga nangyayari ngayon, kahit mahirap maniwala na mabuti at maganda pa din ang ating paroroonan, nararapat lamang na maniwala tayo dito. Isang patunay ang kwento na ito na kailangan pa rin nating maniwala sa mundo at sabi nga nila “love humanity”.

Credit: Goodtimes

Si Ina Mansika kasama ang kanyang mga kaibigan ay sumadya talaga sa Hammerfest, Norway para makakita ng mga beluga whales. Gustong gusto talaga nila na makakita nito kaya naglaan talaga sila ng oras para dito.

Siyempre, sa una’y masaya sila dahil unti unti na nilang nakikita ang mga beluga. Talaga namang gandang ganda sila hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan.

Nahulog ang isa sa mga phone na kanilang dala. Sinubukan pa nilang habulin ito ngunit hindi na talaga inabot kung kaya’t lungkot na lungkot si Ina.

“We laid down on the dock to look at it and hopefully get the chance to pat it,” sambit ni Ina.


Nabanggit pa ni Ina na nakalimutan pala niyang isara ang bulsa ng jacket na kung saan nakalagay ang phone. Kaya naman, wala na talaga silang pag-asa pang maibalik ito.

Ngunit ang isang beluga whale ay tila nag bigay ng extra effort para mahanap ang nasabing phone. Pagbalik ng balyena, nasa bibig na niya ang ang cellphone.

Credit: Goodtimes

Hindi ba’t nakakamangha na ang isang hayop na nakakita ng phone ay talagang ibinalik pa ito sa may-ari.

“I had forgotten to close my jacket pocket and my phone fell in the ocean. We assumed it would be gone forever, until the whale dove back down and came back a few moments later with my phone in its mouth!,” kwento pa ni Ina.

Credit: Goodtimes

“Everyone was so surprised. We almost didn’t believe what we saw. I was super happy and thankful that I got my phone back.” dagdag pa ni Ina.

Syempre, dahil nalubog sa tubig nagkaroon ng problema ang phone pero mas masaya si Ina dahil may isang hayop na nagmagandang loob sa kanya.

Credit: Goodtimes