Jinkee Pacquiao, binisita ang dati nyang school kung saan sya nag-aral ng elementary

Ang balik-balikan ang nakaraan ay talaga namang nakakataba ng puso dahil makikita mo nga naman kung gaano naging maganda at nagbago ang iyong buhay.

Isa sa mga bagay na napakasarap nga namang balikan ay ang mga lugar na pinagmulan mo simula noon hanggang ngayon.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Isa na rito ang paaralan, na kung saan tayo ay natututo sa iba’t ibang mga bagay. Mula sa pagsusulat, pagbabasa, at pagbibilang. Maging sa pagdiskubre ng iba’t ibang mga aralin, at mga kaalaman sa mundo.

Iyan nga naman talaga ang lugar na lahat ay natututo at mas napapalalim ang ating kaalaman. Kaya ngayon matagumpay ka na sa buhay ay talagang napakasayang balikan at makita ito.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Kagaya na lamang ng asawa ng ating People’s Champ Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao. Makikita sa mga pictures at post niya sa social media ang kanyang pagbabalik sa kanyang naging eskwelahan.

Bakas sa kanyang mukha ang saya na makitang muli ang kanyang eskwelahan at binalik balikan pa ang mga sweet memories niya at ng kanyang kakambal na kapatid.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

“Ang sarap ng pakiramdam na makabalik kung saan ka tumira nung bata ka pa at kung saan ka nag aral ng elementary. Ito po ang school kung saan ako nag graduate ng elementary. God is good!,” isa sa caption ng kanyang mga post.

Isa pa rito, ay ang kanyang pagbabalik tanaw sa kanyang mga kapitbahay. Mayroon siyang picture kasama ang mga ito.

“Sila po ang mga kapitbahay namin. Sarap makabalik at makita kayong lahat! #saranganiprovince #sarangan,” sambit ng kanyang post.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Talaga nga namang hindi nakakalimot si Jinkee. Ang mga ito ang patunay na lagi siyang nakatanaw sa nakaraan kung kaya’t patuloy siyang nagtagumpay sa buhay. Narito ang kanilang mga komento:

“First year to fourth highschool ako ,school ako Sa PCM ky manny paquaio,.then pag college ko schoolar ako sa jinkees foundation ky jinkee paquiao dami yan silang natutulungan.”

“maging masaya na lng tyo sa para sa knila total yng tinatamasa nilang kaginhawahan di naman nila hiningi sa inyo sa atin at pinaghirapan naman nila yon,at kng anuman ang intensyon nila sa pagbabalik ni ms.jinky ay hayaan na natin sya don,salamat lets stay from stressing ourselves ok po ba yon thank you and God bless”

“FYI daming naitutulong jinkee sa amin,don sa kiamba kung saan sa siya lumaki at kasali na din ang mga mamayan sa Gensan kung saan sila tumira.”

“Kahit mayaman na sla, dnla nkkalimutan lumingon sa pinanggalingan nla., yung iba dyan yumaman lng nkalimot na kung sansya nanggaling.”