Ako si Daniel isang graduating student ng highschool. Kadalasan, ang mga ala-ala natin sa highschool ay masaya at makulay dahil kasama natin ang mga kaibigan sa pang araw araw pero hindi dahil puro kalungkutan lang ang naidulot sa akin dahil nagbago ang lahat ng nakilala ko ang security guard ng iskwelahan namin. Palagi akong hindi pumapasok kase hindi ako kumportable sa iskwelahan dahil puro aral na lang lahat ng bagay.
Ayoko din magkulong sa bahay dahil wala naman akong pamilyang uuwian dahil palagi silang parehas nagtatrabaho at kung kailan pa sila nasa bahay ay puro salitaan lang ang nangyayari at palagi pa akong nasasabihan na “wala kang kw3ntang anak wala kang utang na loob sa amin”.

Sino ba namang gaganahan sa mga ganoong salita, siguro nga nagrerebe!de ako kaya ako hindi pumapasok at palaging napapaaw@y hanggang sa dumating sa buhay ko si Mang Jerry. Nagsimula iyon ng pinatawag ako ng principal at pinag community service dahil sa mga kalok0han ko at palaging pagabsent.
Late na ako natapos pero ayoko pa umuwi kase ano namang dadatnan ko sa bahay. Una pa sinita ako ni Mang Jerry kasi ano pa daw ginagawa ko sa school at isasarado pa niya ang iskwelahan.

Sinabi ko sa kanya na ayoko pa umuwi pero sa halip na itab0y ako ay inaya niya ko sa kanilang barracks sa likod ng iskwelahan kung saan siya tumutuloy. Gutom na gutom pa ako nun kasi wala akong kain. Inalok ako ni Mang Jerry at sinabayan. Pinangaralan niya dahil sa ginagawa ko pero nagkasagutan lang kami pero kahit ganon inaya pa din niya ako kung wala akong matuluyan o mapuntahan bumalik lang daw ako dun.
Hindi ko alam kung bakit pero bumalik ako siguro nagkakulay yung buhay ko dahil oo pinapangaralan nya ako pero nakikinig naman sya sa akin. Pinakita niya at tinuro ang mga bagay na hindi nagawa ng mga magulang ko.

Tinulungan niya na gumanda ang estado ko sa klase, pinakilala at pinagkaibigan sa mga ka iskwela. Tinulungan niya akong makabalik at buoin ang aking sarili kahit ako sa sarili ko sumuko na. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil naging sandigan ko siya hanggang sa makagraduate ako. Binabalak kong kumuha ng kursong Psychology dahil na din gusto kong makatulong sa ibang tao katulad ng pagbuo sa pagkatao ko ni Mang Jerry.