Anak, nagbalik tanaw at nagbigay pugay sa pagpupursige ng kanyang tatay sa pamamagitan ng isang pares ng sapatos

Ako si David, 11-taong gulang. Pangarap ko maging factory worker sa isang sikat na produkto ng sapatos. Malaking pangarap sa akin ang maging factory worker ngunit hindi ko agad to makakamit. Mahirap lang kami, ang aking nanay ay nawala na at ang tatay nalang ang natatanging tao sa aming bahay-bahayan. Nakatira ako kahit saan, nangongolekta ng kagamitan na maaari pang maibenta at ma recycle.

Source: Pexels (for illustration purposes only)

Ang tanging edukasyon ko lamang ang turo sa akin ng aking tatay. Tinuruan niya ako ng mabubuting asal, at ang pinaka mahalagang turo niya sa akin ay ang maging mapagkumbaba sa lahat ng mga bagay. May 2 akong malapit na kaibigan. Parehas silang mas bata sa akin at tinuturing nila akong nakatatandang kapatid.

Ang isang lalaki ay 9 na anyos lamang habang ang isa naman ay 7 taong gulang. Silang dalawang magkapatid ay tumutulong sa akin para sa kanilang buntis na ina upang matustusan nila ang kanilang pang-araw araw na pagkain. Tumutulong sila sa akin sa pagkalakal ng mga gamit. Araw araw nila akong dinadaanan sa amin at sumisigaw ng,

“Tara na kuya David! Dun daw sa kabilang kanto maraming bakal, baka pwede nating mabenta” “Oo nga tara na dali!” Sabik na sabik na sigaw ng dalawang magkapatid. Tuwang tuwa talaga ako dito sa dalawang magkapatid dahil nakikita ko sa kanilang mga ngiti ang saya at hilig sa pag tratrabaho ng magkapatid Sa h!rap at pagod na aking tinatamasa, nagkaroon ako ng kakaunting pera para makapag aral ng grade 1 sa isang pambublikong paaralan.

Source: Pexels (for illustration purposes only)

Nagkaroon din ng “stable job” ang aking tatay sa isang maliit na negosyo sa pagaayos ng mga makinarya. Pinag butihan ko ang aking pagaaral hanggang sa makapag tapos ako ng grade 6. Nakatanggap ako ng sertipiko bilang top 1 sa aming klase. Habang tumatagal ang aking pag-aaral, naisipan kong bigyang pugay ang aking tatay para sa pagiging pinakamahusay na tatay sa buong mundo. Nang makatapos ako ng aking highschool, nakatanggap ako ng diploma sa aming paaralan. Kasama na rin ang lalagyanan ng larawan na aking tatay sa entablado.

Source: Pexels (for illustration purposes only)

Ngayon na isa na ako sa mga sikat na nagbebenta ng isang sikat na brand ng sapatos, bilang isang pasasalamat sa aking magulang ay iniwanan ko siya ng isang sulat sa lugar kung saan sya nakahimlay. “Eto na tay yung paborito mong sapatos.”