OFW na Pinay, nagulat sa sorpresang birthday cake at kanta na inihanda mismo ng kanyang mga amo

Napakasaya nga naman sa pakiramdam kapag ang mga mahahalagang tao sa buhay mo ay naaala ang kaarawan mo. Isa itong espesyal na araw na dapat ipagdiwang dahil ito ang araw na kung saan ikaw ay naipanganak sa mundong ito.

Malaking bagay na babatiin ka ng mga kaibigan, katrabaho o mga kamag anak. Nakakataba ng puso ang maipagdiwang ang iyong kaarawan lalo na’t kung hindi mo ito alam at isa pa lang sorpresa mula sa mga mahal mo sa buhay.

Credit: OFW Community Facebook

Kaya tuwang tuwa ang isang OFW sa Middle East na si Ate She dahil sinorpresa siya ng kanyang mga amo kahit pa busy ang mga tao doon dahil panahon ng Ramadan.

Credit: OFW Community Facebook

Malalim ang debosyon ng mga Muslim sa Ramadan kung kaya’t hindi na alintana sa kanya ang kanyang kaarawan dahil iniisip niya na busy ang lahat at walang oras ang lahat maging siya sa pagdiriwang nito.

Pero, napakapalad ni Ate She sa kanyang. mga amo dahil naalala nila ang kanyang kaarawan at binigyan siya ng cake at pinagkanta pa ng Happy Birthday song.

Credit: OFW Community Facebook

Hindi naman mapigil ni Ate She ang kanyang galak at nakuha pa niyang umiyak dahil sa tuwa at saya na naramdaman niya.

Nakakabilib nga naman ang mga ganitong amo dahil ang iba’y abusado pero ito ay mapagbigay at bukas palad. Maging mga netizens ay bilib na bilib. Narito ang kanilang mga komento:

“God bless sa mga boss mo mabait at happy birthday you be strong for your family and alwsys hard prayer God bless you all….”

Credit: OFW Community Facebook

“Sanay ganyan po lahat ng amo sa ibang bansa mabait at hindi nananak!t gaya ng iba ..happy bday enjoy!”

“Happy birthday. Siguro mabait at tapat at masipag na worker see ate. Kaya mapagmahal siya sa amo niya.. kasi maraming nag abroad to work pero kulang sa kasalanan kaya pagdating sa gawaing di napapaayos. Pero talagang bless pa run siya sa pagkakaroon ng among mabait.”

Credit: OFW Community Facebook

“sana lahat ng amo sa middle east ganyan para naman ndi kawawa mga pinoy they work so hard para sa pamilya at mapaglingkuran ang mga amo nilaWE SALUTE YOU MADAM👏👏👏

“Ang pangangamuhan tlga swertehan dn kng minsan tulad ni kabayan happy bdays sana lalo png bumait ang mga amo mo sau at mairahus mo nga mapayapa at maayus ang mga taon pang ilalagi mo pa sa knila naway marami pang kaarawan ang dumating sau”

Credit: OFW Community Facebook

“Suklian mo ng kabutihan ang amo mo ,,one of a milyon ang ganyang klase ng amo mabait,,happy birthday,,ate,,”

“Mashallah pag swerte ka nga nmn sa amo mo hirap iwan mga ganyang kabait n amo sukran madam and mabuhay ka kabayan”