Tindera ng Isda, super nanay din dahil sa kanyang pagsisikap ay Doktor na ang kanyang anak

Ngayong nalalapit na mother’s day tampok ang isang istorya ng isang na nangarap ng magandang kinabukasan sa kanyang anak. Sa kanyang simpleng hanap buhay na pagtitinda ng isda, pinangako niya sa sarili na maipapasok niya ang anak sa gusto nitong kurso at mapagtatapos. Pinamagatan ang istorya ni nanay Nanita ng “Kinaya ni Mama” at pinost ng GMA Public Affairs.

Credit: GMA Public Affairs Youtube

Binahagi pa ng kanyang anak na si John Nico Ronquillo, na dumating ang mga panahon na siya mismo ay unting-unting sumusuko pero andyan si Nanay Nanita para sabihin na tuloy lang silang dalawa.

Credit: GMA Public Affairs Youtube

Mahigit 20-taon na siyang nagtitinda ng isda sa palengke. Kwento niya palagi daw itong umaalis ng 5am para magtinda ng isda hanggang tanghali pero kung hindi maubos ang kanyang paninda ay babalik pa ito sa hapon. Pinili ni nanay Nanita na maging single nanay dahil ng malaman niya na ang kanyang asawa pala ay may iba rin pamilya, agad nitong iniwan at bumukod silang dalawa ni John.

Credit: GMA Public Affairs Youtube

Kahit hiwalay na sa tatay at hindi kumpleto ang kanilang pamilya, para kay John buong buo pa rin ang pakiramdam niya kahit na silang dalawa na lang dahil hinding hindi nagkulang sa pagmamahal at aruga si nanay Narita sa kanya.

Credit: GMA Public Affairs Youtube

Dumarating din syempre ang mga oras na hindi mabenta ang mga tinda ni nanay kaya naman tumulong na din si John sa pagtatrabaho. Simula pa daw nung bata si John ay walang tigil na ang ina sa kakakayod at pagtatrabaho.

Credit: GMA Public Affairs Youtube

Ngayon na isa ng professional Doctor nais niyang makapagpahinga si Nanay Nanita at unang una pa daw gagawin ni Doc na gagamutin niya ang iniindang sakit sa puso ni nanay. Kahit may mga sakit sa pusong nararamdaman ang kanyang ina, patuloy pa din siya sa pagtatrabaho. Patuloy niya pa din sinuportahan ang anak sa kanyang pangarap.

Natouch din ang mga netizens sa istorya nina nanay Nanita at Doc John:
“Kudos and more power to both of you! You’ll definitely reap the rewards of your dedication and hard work pretty soon.”
“So inspiring story. Hope you all good health. God bless.”

Credit: GMA Public Affairs Youtube

“First I salute you mother and also nico”
“Kaway2x sa mga single mom kagaya ko
God bless po sa inyong dalawa”