Vic Sotto at Pauleen Luna, bongga sa laki at ganda ang mansyon sa Laguna

Ipinakita ni Pauleen Luna Sotto ang kanilang magarbong mansyon sa Laguna sa pamamagitan ng pag post nito sa Instagram. Pinag-uusapan ito sa internet dahil sa mga kuhang litrato ng sikat na showbiz couple. Kitang kita ang malaking dalawang palapag na bahay na may magandang interior design at majestic view sa labas na pinagpapasalamat niya araw araw.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Napapalibutan pa ng mga halaman at syempre hindi mawawala ang swimming pool para makapagtampisaw.

Ang malaking living room sa kanilang bahay nakita ang maraming art works na nakasabit sa pader.

Nagsimula ang showbiz career ni Poleng noong sumali siya sa Little Miss Philippines ng 1995 kung saan una niyang nakilala ang kanyang magiging asawa pala sa hinaharap na si Vic Sotto.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Si Bossing Vic ay kabilang sa sikat at pinakamatagal na noontime show sa GMA 7 ang Eat Bulaga kasama sina Joey De Leon, Tito Sotto, Jose, Wally at Alden na patatuloy pa din na lumalabas matapos ang pagsisimula nito noong tatlong put taon.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Nagsimula ang love story ni Bossing at Pauleen Luna sa Eat Bulaga ng naging regular na host si Pauleen.

Pagdating ng 2015 kinumpirma nilang dalawa ang kanilang engagement, kinasal ng Enero 2016 at sa 2017 ibinahagi sa Eat Bulaga na silang dalawa ay magkakaroon na ng kanilang unang anak at pinangalanan nila itong Talitha Maria Sotto.

Hindi nila parehas aakalain na ang naturang palabas pala ang magbibigay daan sa kanilang dalawa dahil dito sila unang nagkakilala, nagkadevelopan at naging mag-asawa.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Ito ang mga komento ng mga netizens:

“ang gnda ng bhy nio dlwa mg aswa sobra laki”
“Sobrang laki pero Simple lang”

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

“prang pavillion hehehe..”
“Ganda naman ng facade ng bahay ninyo Mrs. Sotto @pauleenjlunasotto 👍

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

“Knew it sa Sta. Elena kyo ni bossing. Hope to see u there one day.”
“St.elena nga to..hahaha I think hole nos 16 yn if I’m not mistaken!!”