Kim Chiu, naging sentro ng asaran at muntik pang mag ‘walk-out’ nang asarin ng mga kasama sa “It’s Showtime”

Hindi mabubuo ang kasalukuyan, at hindi darating ang hinaharap kung walang nakaraan. Sa bawat kaganapan, bawat mga pagsubok na dumarating at mga taong naging bahagi ng iyong buhay ay paniguradong may aral at mga ala-ala na napupulot sa mga ito.

Kaibigan, barkada o lalo na’t sa buhay pag-ibig. Talaga namang may mapupulot kang aral sa past mo. Yun nga lang, maaaring maging awkward moment ang oras na makikita mo o makakasama mo ang past o ex mo.

Credit: ABS CBN ENTERTAINMENT YOUTUBE

Maging sa mga artista ay hindi nakakalagpas dito. Pero ang iba’y wala namang problema lalo na’t kung mayroon na rin namang mga bagong love life ang bawat isa. Ngunit ang iba’y tila nakakatawang tignan kapag inaasar na ng iba.

Isa nga naman sa mga nakakatawang eksena sa It’s Showtime ay ang segment na Bida Man. Habang iniinterview ang isang contestant ay bigla na lamang napansin ng mga host na sina Vhong Navarro, Ryan Bang, Billy Crawford, Jugs at Teddy na masungit daw ang kanilang kasamang host na si Kim Chiu.

Credit: ABS CBN ENTERTAINMENT YOUTUBE

Natatawa lamang si Kim kahit tila inaasar na siya ng kanyang mga kasama. Kahit tawang-tawa, sinabihan na niya ang kanyang mga kasama na OA at tila nagsusumbong na kay Direk. Kaya pala siya inaasar ay dahil isa sa mga judge ay si Gerald Anderson.

Credit: ABS CBN ENTERTAINMENT YOUTUBE

Nakisakay pa sa pagbibiro ng mga host kay Kim sina hurado Ruffa Gutierrez at Direk Bobet.

Kilig na kilig naman ang mga netizens sa kanilang biruan. Narito ang kanilang mga reaksiyon:

” super kilig hahah ang cute xe nilang 2! but hanggng dun nlng yta tlga! they are both happy nmn dn na wd dr new relationship😘

Credit: ABS CBN ENTERTAINMENT YOUTUBE

“C Gerald halatang nahihinayang ky kimmy, but kimmy deserve niya ung taong hndi xa luluk0hin. Na khit cnung lumandi sa knya hndi xa mgpapaland!. Bzta for me Kimmy and Xian, Gerald is her past😊😊😊😊

“Obviously may spark pa din both of them mkkta mo at ma feel mo kht saang interviews mo cla mkta or guestings…lalo na c kim kasi ist love nya Gerald…may panghhinayang sa mga mata nila pero hanggang dun na lang yun..kasi they are both into a relationship…strong relationship esp.XIAN&KIM 6yrs.na.mhigit tas love love pa sya ni Xian…”

Credit: ABS CBN ENTERTAINMENT YOUTUBE

“Sayang pinakawalan pa si kim dalagang pilipina pa naman ganyan talaga ang mga lalake mas gusto nila un marami ng lalaking nagdaan sa babaeng gusto nila un marami ng naging boyfren para marami nang alam”

“dati yan ang paburito ko loveteam..idol ko cl parehas pero nagalit ako kay Gerald sa ginawa nya kay kim… kong saan ng gusto ni kim masaya n ako kong sino ang pipiliin nya n diserve sa pagmamahal ni kim.. gogo go lang idol kim… marami nagmamahal sau… God bless you alwz👄💋💋💋