Lolo, matiyagang naghintay kay Coco Martin para mabigay nito ang regalo nya sa iniidolong artista

Iba nga naman talaga kung magmahal ang mga fans ng mga celebrities. Gagawin ang lahat para lamang maipakita sa kanilang mga idolong artista ang pagmamahal na mayroon sila.

Ang iba’y bumibisita talaga sa lahat ng kanilang mga mall shows. Habang ang iba’y gumagawa pa ng extra effort para mapansin ng kanilang mga idolo.

Credit: Analiza Regalado Facebook

Isa na nga rito ang nakita ni Analiza Regalado. Ibinahagi niya ito sa kanyang facebook account. Isang lolo, ang nagtyaga at naghintay para maibigay lamang ang kanyang espesyal na regalo kay Coco Martin. Ang regalong ito ay isang larawan ni Coco na ipininta ng lolo.

Credit: Analiza Regalado Facebook

“Nakita ko to si lolo sa gilid ng stage trying na maiabot to kay coco martin pero nabigo siya kasi ang dami ng tao at ang sabi ko ‘lo yaan mo po atleast nakita muna po yung idol mo’ sabay ngumiti siya at ang sabi ‘gusto ko lang sana tong ipakita sa kanya at ibigay’,” sambit ni Analiza Regalado.

 

View this post on Instagram

 

Maraming Salamat Lolo ❤️ #CocoMartin #B617

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on


Pero, noong una ay tila hindi ito natanggap o nakita man lang ni Coco. Kaya naman, malungkot talaga ang mga netizens dahil dito.

“Sana bigyan ng pansin si Lolo Coco Martin ayan si Lolo masugid mong tagahanga Sana makarating sayo a gusto ka talaga no Lolo makaharap at maibigay Yong ginawa nyang portrait sayo 😍😍😍😍😍😍😘😘😘😘😘

Credit: Analiza Regalado Facebook

 

“wish ko sana makita ni lolo ng harapan makausap in person at mayakap nya si coco”

“Sana makarating ito kay coco martin o s mga staff nya..kawawa nman c lolo nag effort talaga cya..”

Credit: Analiza Regalado Facebook

“Galing ni lolo sana bigyan ng chance makita c coco idol”

“Sayang hindi nya naibigay yung portrait ni cardo..ibinalita yan sa tv patrol bicol..medyo malayo kasi siya kay coco..
Noong araw na dumalaw si coco sa bicol..”

Credit: Analiza Regalado Facebook

Hanggang sa nakapag update na, at nagkaroon ng daan para matanggap ni Coco ang naturang larawan.

“Good news po. nakuha na po ni kuya coco yung ginuhit ni lolo. sana naman lo makadagdag po to sa inspiration niyo para makapag guhit pa ng mga magagandang larawan,” banggit ng post.

Credit: Analiza Regalado Facebook

Dahil dito, masayang masaya naman ang mga netizens at narito ang kanilang mga reaksiyon. Narito ang kanilang mga komento:

“isama mo si lolo sa ANG PROBINSYANO”

“kamukha ni lolo si kuya Coco. Pansinin or ipatawag mo COCO SI LOLO ONE TIME LANG PLEASE. MINSAN LANG DADAAN SA BUHAY NG TAO ITO. HANAPIN MO SI LOLO.”

“Sana ako rin.. my wish for more than 30 yrs na gusto kung makita si IDOL Robin Padilla… Sana may makatulong sa akin at uuwi ako agad …gusto ko lang may Remembrance photo kami ni idol ko po…..”