Angelica Panganiban, sinagot ang pahayag ni Nadine Lustre sa isang interview tungkol sa kanyang pag-arte

Namangha ang aktres na si Nadine Lustre kay Angelica Panganiban matapos makita ang ginawa ng nasabing aktres. Nag-react si Angelica Panganiban sa naging comment ni Nadine ukol sa galing ni Angelica sa kasanayan bilang isang aktres.

Credit: Nadine Instagram

Mula sa panayam ni Nadine na sinabi niyang humahanga siya rito at nakakakumbinsi ang galing ni Angelica. Binati ni Angelica Panganiban si Nadine bilang isang Best Actress Award na kanyang napalanunan sa FAMAS 2019.

“Kapag napapanood ko siya, sobrang nadadala niya ako eh, pag napapanuod ko po yung mga pelikula niya.”

Kinumpirma ni Angelica Panganiban na siya ay kinilig at natuwa sa sinabi ng FAMAS 2019 best actress. Niretweet ni Angelica sa Twitter, isang social media ang interview ni Nadine Lustre.


“Nakakakilig!!! Congratulations nadine! Fly high!”

Credit: Angelica Panganiban Instagram


Si Angelica Charison o mas kilala bilang Angelica Panganiban sa telebisyon. Siya ay isang Filipino actress at isang comedian. Nagsimula ang actress noong siya ay 6 na taong gulang pa lamang.

Siya ay lumabas sa showbiz sa isang tv show na Love Note. Ang kanyang kauna-unahang regular show na pinamagatang Ang TV isang youth-oriented variety show sa ABS-CBN.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Siya ay gumanap sa bilang aktres sa mga pelikula tulad ng Separada, Sarah… Ang Munting Princesa, Ama, Ina, Anak. Nakakamit siya dito ng ilang awards mula sa FAMAS Awards at PMPC Awards bilang Best Child Actress.

Siya ay nakasagawa ng 38 film at ang ilan dito ay nakatanggap ng parangal. Ang kanyang kauna-unahang parangal na nagmula sa FAMAS Awards for Best Child Actress sa pelikulang Separada.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Sumunod naman ang 1st Supreme to the Exteme Awards (Philippine Star) bilang Villain of the Year sa Iisa Pa Lamang isang romantic-suspense television series noong 2008.

Ang pinakabagong parangal na kanyang natamo sa larangan ng pelikula ay ang Most Innovative TV Commidianne sa organisasyon ng 3rd Illumine Innovation Awards for Television. Best Actress naman sa 65th FAMAS Awards mula sa pelikulang The Unmarried Wife noong 2017. 


Nakatanggap rin siya ng ilang special awards mula sa kanyang pagiging model sa isang sikat na magazine, FHM. Naka-tungtong siya sa rank 50 noong 2017. Pinarangalan rin siya ng Bert Marcelo Lifetime Achievement Award mula sa Guillermo Mendoza Mem0rial Scholarship Foundation noong 2015.