Viral video ni Ate, hinangaan ng mga Netizens dahil sa pagiging mabait at galante nito sa kanyang kapatid

Ang pagmamahalan ng isang pamilya ay isang “code” na hindi dapat nasisira o ikinahihiya. Kahit na anong mangyari sa isang pamilya, dapat patuloy paring nagtataglay ang pagmamahalan sa isa’t-isa. Ang pagmamahal sa iyong kapatid ay isang uri ng pagmamahal na nagpapakita ng pagaaruga at protekta sa isang tao.

Credit: Anya Aragon Facebook

Importante ang pagmamahalan sa isang pamilya dahil una sa lahat, ang pamilya mo ang nag-aruga sa iyo, nagmahal sayo, at nagpalaki sayo, habang ikaw ay tumatanda. Importante ang emosyon sa isang pamilya dahil ito ang bumubuo ng malakas at pangmatagalan na relasyon sa bawat isa.

Credit: Anya Aragon Facebook

Ang pagbibigay suporta sa isa’t-isa ay nakapagbibigay rin ng tiwala sa buong pamilya. Isang babaeng kapatid ay nagpakita ng kanyang pagaaruga at pagmamahal sa kanyang nakababatang kapatid.

Hinangaan siya ng maraming tao sapagkat nagpakita siya ng tinatawag ng netizens na “ate goals” dahil nagbigay siya ng kailangan ng kanyang kapatid. Ang sitwasyong naganap ay nagpapakita ng isang lalaking nanghihingi ng pera sa kanyang babaeng kapatid.

Matapos ito bigyan ng kanyang ate ng pera, pinakita niya ang pagpapasalamat sa isang kiss sa pisngi sa kanyang ate. Nag viral ito sa social media ng inupload ito ng kanyang ate na si Anya Aragon sa Facebook. Makikita sa naturang video ang kapatid ng babaeng dalaga na nagpapakita ng lambing sa kanya. Hindi ito natiis ng kanyang ate at binigyan ito ng pera. Inabutan ito ng P500 noong una at idinagdag ang P20.

“Sweet ni ate hehehe sarap may ate cguro..”

“Sana ganyan di all na ate sa kapatid lalo na sa bunso.”

Credit: Anya Aragon Facebook

“Ate ampunin nyo napo ako hahahaha tapos pakilala nyo na din po kapatid nyo.”

“Hehehe sarap m maging ate spoiled ampunin m nlang kya ako whaaaaaa ahahaha.”

“Napakabait ni ate…at napakagandang ate….Saludo ako Kay ate.”

“Sana may ate din ako ganito.”

“Nako kung ganyan abg ate ko . pinaka swerte ko ng tao.”

Credit: Anya Aragon Facebook

“Grabe ang bait mo hehe. Parang ako sa kapatid ko nakakatuwa.” “The sweetest ate ever ka talaga…kaya you always blesses ate.”

Tunay ngang natuwa ang mga netizen matapos makita ang video. Nakita nila ang lambingan ng dalawa at hinangaan ang kanilang relasyon bilang magkapatid.

Ang mga netizens ay humanga sa pagiging sweet ng kanyang babaeng kapatid sa kanyang nakababatang lalaking kapatid. Talaga ngang “ate goals” ang makikitang ginawa ng babaeng dalaga sa video.

Todo puri naman ang mga netizens sa ginawa ng dalaga dahil pinakita niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang kapamilya lalo na sa kanyang kapatid sa papamagitan ng pagbigay ng kailangan ng kanyang kapatid.