Batang nagsauli ng wallet na may 7K pesos na laman, inulan ng pagbati mula sa mga netizens at nakakuha din ng scholarship grant

Kapag nga naman ikaw ay tapat, mas maraming bagay at pagpapala ang babalik sa iyo. Ang katapatan ay nagpapatunay na hindi materyal na bagay ang sukatan sa mundo kundi ang karakter at ang dignidad na mayroon ang isang tao.

Hindi mo man makuha ang materyal na bagay sa pagiging tapat, mas tumataas naman ang tingin at ang dignidad na mayroon tayo.

Pero, sadyang mapagbigay nga naman ang tadhana at hindi na lang dignidad kundi mga pagpapala.

Isang kwento ang naibahagi na kung saan isang bata ang nagbalik ng wallet na may laman na 7k. Kahit nangangailangan siya, hindi siya nagatubili na ibalik ito.

Nabigyan man siya ng maliit na halaga mula sa may-ari. Mas marami pang pagpapala ang kanyang natanggap ngayon.

Kinilala ang bata na si Andre Macabuhay at nabigyan siya ng scholarship na nagkakahalaga ng 400,000 pesos, at sigurado na dito ang kanyang pag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo.

Hindi lang iyan, para magkaroon naman ng panghanap buhay ang kanyang pamilya na magbibigay ng kanyang mga pangangailangan. Binigyan ang kanyang ina ng pampuhunan para makapagpasimula ng isang negosyo na isang sari sari store.

Hindi ba’t malaking bagay ang pagkakaroon ng scholarship at isang instant na negosyo. Talaga nga namang nakakatulong ito sa kanila. At lahat ng iyan ay dahil sa pagiging matapat.

Kaya naman, hanga talaga ang mga netizens sa kanya. Narito ang kanilang mga komento:

“God bless you young man & your family. Your parents raised you to be honest. You have a kind heart. God bless to the person that offer scholarship to this honest young man. He was raised by a great parents.”

“Honesty is a way to success. Great job boy and also to you sir for giving a remarkable reward to the parking lot boy. God bless the both of you.”

“May mabuti syang puso alm nyang hindi nya pinaghirapan pera na yon…my takot sa Dyos God bless u kid malayo marating mo nyan batašŸ˜†

“Dios tlaga gumagawa ng way ..para matulungan Ang Bata..Ang taong nasulian ng wallet..naging instrumento siya,.para ipost at pasalamatan Ang Bata..”

“Sa nagbigay ng scholarship talagang Saludo ako sa iyo, napakalaking bagay sa pamilya niya ang binigay niniyo na bihira gawin ng company man or private citizen seguro ginagawa ba ninyo ito dati ma buhay kayo”

“Thank you for your being honest. Pagpalain ka ni LordšŸ˜‡@more blessings to come@we admiring you.Ung bnigyn ka ng scholar grant ay alagaan@pagbutihin mo ha!,pra mkatulong ka sa someday sa family mo@i-pursue mo lang yang pagiging honest mo dahil mas sweswertehin ka lalošŸ˜‡šŸ˜ŠšŸ–’.”