Kapag sa panahon ng kagipitan, isa nga lang naman talaga ang nagiging takbuhan ng iba. Dahil sa kakulangan sa pera, nawawalan ng choice ang iba kundi ang mangutang. At pagdating sa utangan, isa nga naman sa mga nangungunang nilalapitan ng mga nangungutang ay ang mga bumbay.
Isa ding dahilan ito sa mga inirereklamo sa barangay. Nagkakabarangayan ngayon dahil na rin sa mga walang katapusang utang. Pero sa oras na ito, hindi Pinoy ang inirereklamo sa kapwa Pinoy kundi Bumbay na ang nagrereklamo.

Paano ba naman kasi, kung noong nangungutang ay napakabait nila. Ngayon namang panahon na ng bayaran, ay nagkakataguan na.
“Pag lindol hindi ramdam, pag ako dating, layo pa lang ramdam na agad!” ani ng Bumbay.

Ang masaklap pa, kung nakatali daw ang aso noong siya ay nagpautang, hindi na daw nakatali noong siya ay maniningil na.
Talaga namang kaawa-awa ang bumbay at maging mga netizens ay talagang naawa din sa Bumbay. Narito ang mga komento ng mga netizens ukol dito:
“Mas maganda ngang mautangan ang bumbay.wla ng kailangan mraming id tpos yung iba my kolateral pa.ang bumbay mbilis magbigay at pg alam nilang wlang panghulog ok lng.basta blik blik lng sla.sana nman wag nman ganun.”

“May tropa nga aq, nangutang sa bumbay, panay ang tago kpag sinisingil sya, nakabayad din naman kahit matagal, nung sya lalapit sa bumbay, siya naman ang tinaguan ng bumbay….”
“Tsk tsk..nakakahiya ang mga pinoy n malakas loob mangutang ganyan gagawin..isipin nyo n lng ibang lahi yan pro pinagkatiwala nya s inyo pera nya ng buo..khit p sbihing malaki tubo kinagat nyo nman kya sna walang lokohan..sa kapwa ntin pinoy hindi kyo bsta mkakautang kc alam n gawain nyo..pro clang bumbay matyaga maningil kc jan lng dn cla nbubuhay..respeto nman sna?(NOTE:WALA AKO UTANG KHIT KNINO?)”

“Bakit ba may mga taong balasubas, matapos makinabang at maisalba sa mga pangangailangan, nanloloko pa ng kapwa, lalo yun ganyan pagdating sa utang. Pwede naman bayad utang kung nagigipit talaga…”
“Hayaan po ninyo mamang bombay makarma din un..at hindi din aasinso ang mga taong hindi marunong magbayad ng utang..kahit ano pang gawing kayod ng mga yan maghihirap at maghihirap pa din ang mga yan..”
“Hirap ng maraming utang isa n din ako dun pero mrunong nman ako mgbyad kpag medyo gpit ako knakausap ko muna cla ng maayos n wla p ako pang hulog dko like magtago”