Vice Ganda, kitang kasabay dumating sa Amerika ang di umano’y boyfriend nito na si Ion Perez

Kamakailan lamang nang magkaroon ng serye ng concerts ang komedyanteng si Vice Ganda sa bansang Amerika. Nakitang kasama niya rito sa abroad ang hinihinalang boyfriend niya na si Ion Perez, ngunit hindi pa nakukumpirma kung kasama si Ion bilang parte ng mga concert ng komedyante o kung sinasamahan lamang nito si Vice Ganda.

Source: Instagram

Ang mga litratong ito ay nakuha sa Lax International Airport sa Los Angeles California sapagkat sa buwan na ito ay magtatanghal ang komedyanteng si Vice Ganda sa LA area.

Source: Instagram

Sa kabila nito, wala pa din makapagsasabi kung nandito si Ion Perez bilang kasama sa concert ni Vice o kung sinasamahan niya lamang ang komedyante sa LA.


Sa isang post ni miss “Ultimate” Anna Puno sa kaniyang official social media account sa website na Instagram, mayroong caption na “Reunited again with my Dearest Vice…see you all in Chumash casino on May 3 and Pechanga casino on May 5 and we are very happy to announce that we are already sold out!


#angfantasticconcertngvaklangtwooh#StarmediaEntertainment#starmediaconcerts@praybeytbenjamin”, makikitang magkakasama silang tatlo habang nasa Lax International Airport. Nakakuha naman ito ng 267 na likes mula sa mga netizens ng Instagram.

Sa isa pang post ni Anna Puno sa kaniyang official Instagram account, mayroon naman itong caption na “Get ready California, The Unkabogable Vice has landed! #angfantasticconcertngvaklangtwooh
#StarmediaEntertainment#starmediaconcerts@praybeytbenjamin “ na nagpapakitang kadarating lamang ni Vice Ganda sa Amerika.

Kasama sa litratong ito ang mga sumalubong sa pagdating ni Vice Ganda, pati na din si Ion Perez. Ang litratong ito naman ay mayroong 96 likes mula sa mga netizens. Mula sa mga haka-haka ng mga tao sa iba’t-ibang social media websites, mukhang nagkukumpirma ito ng relasyon ng komedyante at ni Ion Perez, ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang nagkukumpirma sa motibo ng pagsama ni Ion Perez sa mga concert ni Vice Ganda, lalo na’t nasa ibang bansa ito ginaganap.