Michael V., nayakap si “Iron Man” sa personal kaya maraming Netizens ang nainggit sa kanya

May mga tao talaga tayong hinahangaan sa ating buhay at gusto natin ito hangarin. Dahil man ito sa kanyang kabutihan, talento o di kaya ang impluwensiya nito sa mga nakararaming tao.

 

View this post on Instagram

 

#AvengersEndGame I just had to repost this. You know… #LoveYou3000

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy) on


Maaari rin dahil sa kanyang angking kasikatan na nakilala siya ng maraming tao. Isa na rito ang nangyari kay Michael V na kung saan nagkaroon siya ng pagkakataon na makita ang sikat na aktor na galing sa US na si Robert Downey Jr. o mas kilalang Tony Stark o Iron man na gumanap sa isang napakasikat na action film ang Avengers.

Credit: michaelbitoy instagram

Si Beethoven Michael del Valle Bunagan ay isang Filipino comedian, actor, impersonator, director, composer, singer, rapper, voice artist, vlogger, and parodist.

Ang kanyang screen name ay Michael V. at kilala rin bilang Bitoy na lumabas sa GMA Network show, Bubble Gang, at sa kanyang sariling show na pinamagatang Pepito Manaloto.

Kilala siya sa pag paparody ng mga Filipino at foreign songs dahil literal niya itong tinatranslate. Siya rin ay ay nakapagsulat ng kanyang sariling kanta tulad ng Sinaktan Mo Ang Puso Ko, at Hindi ako Bakla.

Credit: michaelbitoy instagram

Siya rin ay nakagawa ng kanyang music albums na umabot ng 7 album. Bilang isang composer, siya ang gumawa ng theme song ng Bubble Gang at sa ibang GMA shows rin. Isang kantang kapansin-pansin na lumitaw ay ang kantang Alinlangan, na kinanta ni Jolina Magdangal para sa isang GMA fantasy na Super Twins.

Siya rin ay sumikat dahil sa kanyang ginawang parody song tulad ng Sab0g Sab0g Tayo na ipanalabas noong February 20, 2009. Kanyang isinulat ang kinanta ni Regine Velasquez noong 14th anniversary ng kanyang comedy show.

Credit: michaelbitoy instagram

Marami rin siyang natanggap na parangal mula sa ibat-ibang categorya. Ang kanyang kauna-unahang parangal na kanyang naipanalo ay ang PMPC Star Awards for TV noong 1998 bilang Best Comedy Actor.

Kasabay ng kanyang pagkapanalo sa PMPC Star Awards for TV ang Song of the year na Sinaktang mo Ang Puso Ko sa Awit Awards noong 1998 parin. Ang kanyang pinakabagong parangal ay nagmula sa Asian Television Awards bilang Best Comedy Performance by an Actor ngunit hindi nag wagi.

Credit: michaelbitoy instagram

Sa nanganap na pangyayari, ang Avenger Endgame actor na si Robert Downer Jr. ay nakitang natatawa at nagawang makipag-biro sa Filipino Actor. Nakatanggap ng yakap si Michael V. galing sa Amerikanong actor.

Pinakita ni Michael sa kanyang post sa Instagram ang kanilang paguusap kung papaano nabigyang halaga at pagmamahal ang American actor na si Robert Downer Jr. o mas kilalang Tony Stark sa kanyang mga tagapag hanga.